Noong unang panahon, sa malaking
lumapain ng Halandia,
Lupang pangako ng mga langgam na
puti, may hinirang na pambihirang inang reyna.
Hindi batid ng buong ka-langgaman
kung saan nagmula ang reyna…
Ayon sa kanya, sya ay nagmula sa katas-taasang
lugar ng Matipunong Lupang Lalaki, kung saan niya nalinang ang kakayahang
mamumo.
Tuwang-tuwa ang buong
ka-langgaman dahil saw akas ay nabiyayaan sila ng inang reynang ubod ng talino.
Sa kaharian, nagumpisang magbigay
ng tungkulin ang ingang reyna…
Inang Reyna: Langgam, ikaw ang nais kong maging taga-habi ng ating
mga kasuotan.
Langgem, ikaw naman ang magiging
taga-pangasiwa sa mga itlog sa narseri.
Langgim, ikaw naman ang aking
taga-hatid-sulat sa ibang kaharian.
Langgom, ikaw ang aking sundalo. Ikaw
ang haharap sa anumang banta ng panganib.
Langgum, ikaw ang aking
ingat-yaman.
Masaya ang lahat sa kanilang mga
tungkulin. Sobrang excited si Langgem dahil mahilig sya sa mga baby na
langgamito.
Langgum: “Sobrang saya ko, dahil saw akas ay mabibigyang saysay ko
na ang aking inaral ng napahabang panahon!”
Langgom: “Ako rin… saw akas ay mapapakinabangan ko na ang mga
muscles ko.”
Langgam: “Anong kulay ng kasuotan ang nais ninyong suotin?”
Langgem: “nais ko ay kulay bughaw na tulad ng sa langit… dahil yun
ay tamang kulay sa mata ng mga langgamito.”
Masayang natapos ang gabi at
mahimbing na natulog ang lahat…
Kinabukasan…
Inang Reyna: “Langgam, nais kong pumunta ka sa kaharian ni Haring
Dyali-Bee upang i-renew and ating Peace Agreement.”
Langgam: “Inang reyna, hindi ko po alam kung saan ang kaharian ng
mga bubuyog… at hindi po ako marunong magsalita ng Dyali-Dyali.”
Inang Reyna: “Basta! Pumunta ka roon at sundin ang inutos ko.”
Langgam: “nasaan po ba si Langgim? Marahil ay maari nya akong
tulungan?”
Inang Reyna: “Si Langgim ay nasa narseri. Nagaalaga ng mga
langgamito.”
Langgam: “PO? Hindi ba’t si Langgem ang dapat nangangasiwa noon?”
Inang Reyna: “Si Langgem ay ipinadala ko sa Giyera sa timog kung
saan nanggugulo ang mga Beetle. “ (Ano bang tagalog ng beetle?)…
Langgam: “Po? Ngunit mabait na nars si Langgem. Hindi po sya
pandigma na tulad ni Langgom.”
Inang Reyna: “Si Langgom ay pinapunta ko sa Kaharian ni Thumbelina
upang itanong kung saan sya nagpa-rebond. Gusto ko yung straight hair ni
Thumbelina ngayon. Ang lakas maka-Sam Pinto ng dating. At yung bangs nyang
parang sa isang bata duns a Team Kramer.”
Langgam: “Pano poi to? Hindi kop o alam ang aking gagawin… pero
sige po, susubukan ko. Meron nap o bang liham na aking ihahatid?”
Inang Reyna: “Wala ata…? Gumawa ka nalang.”
Teka, wla pala tayong tinta. Sumisid
ka muna sa dagat pasipiko at humingi ng tinta kay Haring Pusit.”
Langgam: “Ngunit Inang Reyna, wala na pong libre sa panahon ngayon.
Maari ppo ba akong humingi ng cash kay Langgum?”
Inang Reyna: “Wala si Langgum. Pinapunta ko sya sa aking tunay na
tirahan upang labhan ang kabundok kong mga gown.”
Kinagabihan…
Umuwing pilay si Langgam dahil
tinorture sya sa Kaharian ni Haring Dyali-Bee dahil hindi sya marunong
magsalita ng Dyali-Dyali.
Si Langgem ay pumanaw sa battle
field sa dahilang wala syang dalang sandata ng ipina-dala sya sa giyera sa
timog.
Si Langgim ay kinain ng buhay ng
mga Langgamito dahil kulay pula ang kanyang suot. Bawal ang red sa narseri. Bad
color.
Si Langgom ay isa nang
parlorista. Career shift.
At si Langgum ay naputulan ng legs
sa dami ng gown na nilabhan.
Hindi na sya makakahawak ng
calculator magpakailanman.
Hindi naglaon ay bumagsak ang
buong Kalanggaman dahil hindi nagawa ng bawat isa ang kanilang mga tungkulin
dulot ng kaguluhan.
Napag-alamang si Inang Reyna pala
ay Tutubi at nagcostume lang bilang Kalanggaman.
Moral Lesson: Kumain ng tanghalian sa tamang oras.
Ang Lunch Hour ay 12:00 PM to
1PM.
Isang oras ang lunch break. HINDI
30 minutes.



No comments:
Post a Comment