Tuesday, April 7, 2015

AMPALAYA: This isn't your common fairytale


May 7, 2013 at 12:13pm
  REVIEWER: LYKA, PAKIAYOS YUNG TITLE. AMPALAYA? SERYOSO KA? AT AYUSIN MO YUNG KWENTO. AYUSIN MO YUNG... AYUSIN MO YUNG... AYUSIN MO!

AKO: ANO PO BANG GUSTO NYONG TITLE? "NANG SI PILO AY MA-JANINE"?

ETO NA ANG KWENTO, REVISITED.

#ampalaya-one. Take one!
by Lyka Cuya on Friday, October 12, 2012 at 10:06am·
#excited.

Nag-ipon ng sangkatutak na pick-up line si Pilo para sa kasintahang si Evelyn.

Magkikita kasi sila mamaya at nais nyang magka-diabetes si Evelyn sa tamis ngkanyang "da moves"...

Alas-3 ng hapon ang usapan.

2 oras naligo si Pilo upang makayod ng maayos ang libag sa katawan.

10 ulit pinalantsa ang polong may tagpi sa bandang kwelyo para perpek.
Ni-ruler ang liston ng pantalon...

3 sachet ng gel at 30minutes sa harap ng salamin para awe-saaaaam!

Nakaubos ng humigit kumulang 50ml na cologne. Pinagdasal na huwag mawala angamoy sa loob ng 4 na oras.

Bumili pa sya ng kolgeyt na klows ap sa tindahan ni aling Biring para pres angbret.

Minura pa sya ng kapatid bago ipahiram sa kanya ang sapatos nitong may tulisang dulo na pwedeng panaksak sa sinumang sisira sa moment nila ni Evelyn nakanyang mahal.

Hinimas ang jaket na nabili sa ukay-ukay sa halagang 50.

Ok sa olrayt!!!

Japorms na japorms na ang ating bida.

Ang kinita sa 2 linggong pag-ekstra sa construction ay iningatang huwagmabawasan.

Bibili sya ng bulaklak para sa mahal na kasintahan.
Tas papakainin nya ito ng ispageti at prents prays sa jalobi...
Manonood sila ng romantik na mubi.
Maghoholding hands habang naglalakad.

At bilang pinale, magpapasyal at magpapahangin at dun irerecite ang inipon napick-up lines.

Sampol:

Pilo: evelyn my labs... Peysbuk ka ba?

Pilo (evelyn kunwari) : bakit? (lakas maka-neneng B!)...

Pilo (bilang sya): kasi, layk (like) kita.

#wala syang facebook account. nadinig nya lang yon sa mga batang-uhugin nanaglalaro sa kalye na kapwa nya wala rin naman mga facebook account.

Yes...

Yes...

Hehehe...

Kasing plantsado na ng polo nyang may tagpi ang plano...

O yes!

Go men!

Yor da bes!

*baon ang sampung drum ng confidence, tumulak si Pilo sa tagpuan nila ngkanyang mahal...

Alas-dos ng tanghali (o hapon) nang dumating sya sa tagpuan.
Pauli-ulit na pinaraktis ang kanyang baong mga linya na siguradongmagpapatindig ng balahibo ni Evelyn...

May oras pa sya para mag praktis...

Nagpa-load ng all txt 10 para ma-txt ang irog.

Dumating ang takdang oras.

Nagtxt si Pilo kay evelyn gamit ang celfone na 3210. (fossil na may historicalvalue).

Pilo (+63 910--------)

hey babes. D2 n me. Wer n u?

....sending...
....sending...



Sent!

Dumapo ang alas-3:30.

Wala parin ang anino minamahal.

Punong-puno ng pasenysa at pananabik.
Hindi nakararamdam ng pagka-inip.

Tila mas naiinip na ang mga bulaklak na binili para sa sinta.
Kung makababalik lamang ang mga ito sa tindahang pinagbilhan ay babalik ang mgaito...

Konti nalang... At lahat ng plano ay maisasakatuparan din.

Maya-maya'y tumunog ang cp ni Pilo.

Tututut-tutut-tutut!

Tututut-tutut-tututut!

1 Message Received

from: Evelyn my lab so swit

sorry pilo. Hindi ako makararating sa usapan natin. Sorry.


*walang pali-paliwanag kung bakit.

Basta, sorry.

Parang pinag-sakluban ng langit at lupa si Pilo sa txt na natanggap mula sasinta...

Piniling mag-reply.

Pilo txt: bakit nmn?

Evelyn txt: (blank)

Pilo txt: mahal, bakit? Anung problema? May sakit ka ba? Masama ba angpakiramdam mo? Kung gusto mo, pupunta nalang ako dyan at dadalhan ka ng prutas.

Evelyn txt: pilo. Mag-break na tayo.


Nanginig.
Kinilabutan.
Kinabahan.
Nasaktan.
Pinatay ang puso.
Nilamon ng lupa.
Ang gel sa buhok ay naging balakubak.
Ang polo'y nagusot.
Ang cologne ay natalo ng pinaghalong polluted na hangin at natural na putok.
Parang nais kumawala ng paa sa masikip na sapatos upang maka-hinga angnamumuong mga kalyo.

Nabasag ang mga letra ng inipong pick-up lines.

Kumalat sa kalsada ang malakas at nakaiinsultong tawa ng mga bulaklak nabinili.

Natapon ang sampung drum ng confidence...

Nanghihina ang mga tuhod.
Naupo si Pilo sa bangketa.

Piniling mag-reply.

Pilo txt: bakit mahal? Anung kasalanan q? Txtbk pls.




#ampalaya-one. Take Two- Take Two!
by Lyka Cuya on Monday, October 15, 2012 at 1:09pm ·
#Devastated.

Nagtanong ng paulit-ulit-ulit si Pilo kay Evelyn kung anong dahilan ngpakikipaghiwalay nito.

Parang trumpong umikot ng umikot ng umikot ang isip ni Pilo.

Kinapa ang sarili.
Sumakay sa time machine ng kanyang isipan upang mabalikan ang Day1 nila ngmahal.

Mula sa napaka-tamis na 1st date hanggang sa mala-exodus na break-up moment naito.

Tinunton kung saan sya banda nagkamali.

Kahit kailan wala syang naging iba.

Si Evelyn ang One True Love nya.

Sa trabaho, ang sinta ang iniisip. Hindi sya gumigimik upang may pambili ngpasalubong o di kaya'y kahit simpleng regalo para sa sinta.
Hindi rin sya bumibili ng pamorma.
Ang lahat ay iniipon, para sa maibigay ang anumang hiling ng irog.

Kahit minsa'y hindi nakaligtaan ang bumati ng "gud morning",magtanong ng "kumain kn mahal?"...
O di kaya'y mangumusta sa araw araw.
Lahat ng sabihin ng gelpren ay sinusunod.

Maka-ilang ulit nang nahuling may ibang ka-text, nakukuha parin nyangmagpatawad.

Alam ni Evelyn kung gaano nya ito kamahal.

Sa isip: wala akong nagawang mali. At wala ring pagkukulang.
Hindi kaya, sumobra na ako, kaya ngayon sya umaayaw?

Nagtanong ng nagtanong na parang quiz bee.

Naubos nalang ang 120txt ni Pilo'y ni isang sagot ay wala na syang natanggap.

Yun na ang huli.

"Magbreak na tayo."

wala syang hika, ngunit hirap na hirap sya sa paghinga.

Wala syang sakit sa puso, ngunit tila ikamamatay nya ngayon ay heart failure.

Hindi makuhang tumayo ni Pilo.

Pakiramdam nya'y wala pang lakas ang kanyang mga tuhod.

Sorry Jalobi.
Mukang iindianin kita ngayon.

Gutom.
Pagod.
Masakit ang ulo sa pagkitil ng gel sa kalayaan ng kanyang buhok.
Masakit na ang mga paa sa pagsakal ng masikip na sapatos.

Unti-unti'y lumabo ang paningin...


Dumaloy ang mga luhang ni sa matinding paghihirap ay hindi nagpaparamdam.

Evelyn.
Evelyn...

Eve...

"huy!" sita ng isang boses ng babae.

*huminga ng malalim si Pilo.
Muli...

Evel...

"huuuuuy!" muling sita ng babae.

*kundi lang masamang pumatay ng taong panira ng moment. Nakita nang nage-emoteeh!


Pumikit si Pilo. Pinahid ang luhaang mata gamit ang mga kamay nang may mag-abotsa kanya ng mabangong panyo.

"oh!" sabi ng babae.

Tiningnan ang iniaabot na kapiraso ng tela.

Humingang malalim.
Hindi nagsalita.
Hindi rin tinanggap ang panyo.

"may ka-date ka ba? Kanina ka pa andito... Wala pa sya. Apat na oras kanang naka-upo at nakatalungko dyan. Gabi na. Sa palagay ko, hindi na daratingyung hinitintay mo."

hindi na nya kailangan pagsabihan pa. Dahil alam nyang wala nang darating.

"haaaaay... Naku naman. Bingi pa ata tong taong to."

"hindi ako bingi!" sagot ni Pilo.

"oh, nagsasalita ka pala...akala ko kasi, sesenyasan mo rin ako, tuladnung lalake nung isang araw na biglang iniwan nung ka-eye-ball nya nungnalamang hindi sya nakakapagsalita."

"anu bang kailangan mo?" tanung ni Pilo.

"wala akong kailangan sayo. Pero, malakas ang kutob ko na kailangan mo ngtubig. Oh!"

iniabot ng babae ang isang bote ng tubig.

"tanghali ka pa nandito. Hindi ka kumain, o uminom. Siguradong dehydratedka na. Uminom ka. Bukod sa pisikal na pagka-uhaw, makakahinga ka rin ng maayoskapag uminom ka ng tubig."

nakukulitan.
Tinanggap ni Pilo ang tubig mula sa faceless na babae para tumigil na ito.

Uminom.

Gumaan nga ang pakiramdam nya.

Konte.

Pero, atleast, medyo nagsimula na syang maging- medyo ok.

"better?"

huminga si Pilo.

"are you feeling much better now?"

hindi kita naiintindihan.

"ay, sorry. Ahm... Medyo ok ka na ba?"

medyo.
*sarcastic na ngiti.

Medyo.


"haaaaay... Mukhang kailangan ko nang tatakan ang lugar na ito. BABALA:THIS AREA IS KNOWN AS THE BREAKING POINT. BEWARE."
pakumpas-kumpas pa ang kamay ng babae na tila pini-picture ang karatulangilalagay sa isang punong parang hindi puno dahil hindi kulay luntian kundi abo.-malapit sa kinauupuan ni Pilo.


*endless silence.

Hindi natuwa si Pilo sa sinabi ng babae. -alam naman ng dalaga na hindi yonnakakatuwang bagay. Pero, hindi masamang mag-effort.


*endless silence.

Tila huminto ang oras.

Rush hour pero may dalawang taong hindi nagra-rush. Hindi alintana ang mgataong paroo't parito.
Bingi sa ingay ng mga sasakyan na nagdadaan.
Immune sa usok kalyeng namamayani sa paligid.
Hindi dinaramdam ang climate change.

*endless silence.

"mukhang uulan. May payong ka ba?"

walang tugon.


Umupo ang faceless na babae malapit sa kanyang tabi.

"namnamin mo lang ang sakit. Umiyak ka kung kinakailangan. Sumigaw ka kunggusto mong sumigaw. Huwag mong piliting intindihin ang nangyare kung hindi pahanda ang isip mong umintindi. Huminga ka habang kaya mong huminga. Darating karin sa punto na magiging malinaw para sayo ang lahat. Hindi ngayon. Hindi dinbukas. Pero, siguradong darating ang araw na hindi mo na kailangan magmukhangtangang lalakeng nakatalungkong ewan."

tiningnan nya ang babae. Puno ng tanong ang mga mata.

Sino ka ba? Tanong nya.

Ngumiti lang ang babae.

"tara, fishball tayo! Tara!" hinatak sya ng babae papunta sa manongna naglalako ng fishball.

Pagkatayo'y naiktad ang paa dahil sa pinaghalong pamamanhid at sakit.

Tiningnan ng babae ang paa ni Pilo.

"haaaay. Nanghiram ka pa ng sapatos...
-sige, lipat ka nalang dun sa may bench. Tas ako nalang bibili. Foodtriptayo."

tumatakbong tumungo ang babae sa helera ng bilihan ng mga pagkain.

May hangover pa ang bida kahit hindi sya uminom ng alak. Hangover dulot ngpagkagulat at sakit.

Nanghihina.
Tila asong sunod-sunuran, tumungo sya sa upuaang itinuro sa kanya ng babae.

*bahala na. Hindi ko na alam gagawin ko. Ang alam ko lang, wala akong maisipgawin. Bahala na.

Eto na ang mahaderang echosera.

"oh! Dami kong biniling fishball combo. Favorite ko to eh. Hehe..."

iniabot ang biniling bottled water, fishball combo at empanadita.

Hindi agad naisip ni Pilo ang kumain.
Kung nasa normal syang kaisipan ay mawe-weirduhan sya sa nangyayari.
Pero, wala sya sa katinuan.
Hindi nya naisip na baka may lason ang pagkain.
Ang nasa isip lang nya...- blangko. Si evelyn?

Hindi nya pa maisip kumain. Basta tinanggap ang iniabot sa kanya.

"oh, kain! Alam kong wala ka sa sarili mo ngayon. Pero, maniwala ka,naghuhurumintado na yung mga bituka mo...kaya kumain kana bago ka pasikmurain."

hindi dama ang pasasalamat.
Kinain nya ang hain.

Bawat subo'y mapakla. Walang malasahan.
Maya-maya'y nakaramdam ng kung ano. Nagpapasalamat na tiyan sa pagkaing handog.

Unti-unti'y nagkalasa ang pagkain.
Unti-unti'y nakadama ng kabusugan at sense.

"salamat miss."

"kitam. Hindi ka makapag-react ng tama, kasi gutom ka. Kain ka pa.Hinay-hinay. Ubusin mo yan. Hindi ka makakauwi ng maayos kapag gupo ang isipmo."

humingang malalim.
Kumain.

Nang matapos..

"sa palagay ko, magiging maayos din ang lahat sayo. Hindi ka masamang tao.Kaya magiging maayos ang lahat para sayo."

"pano mo nalaman?" tanong nya.

Ngumiti ang babae. "basta!"

"hmmm... Mukhang uulan talaga."

"wala akong payong."

"may jacket ka naman. Gamitin mo nalang yang pang pandong sa ulo mo.Malayo ba bahay mo dito?"

"hindi. Malapit lang."

"mainam. Pwede mong lakarin o takbuhin. Kaso, sa palagay ko, nasasaktan nang husto ang mga paa mo."

"pano mo nasabi?"

"hindi tama ang laki ng sapatos mo sa tangkad mo. Maniwala ka... Yungsakit na nararamdaman ng mga paa mo sa ngayon, higit pa sa sakit nanararamdaman ng puso mo ngayon."

"mahirap ka kausap."

"sarado pa kasi isip mo para umintindi."

"hindi kita maintindihan."

"ok lang. Hindi naman kita pinipilit na umintindi."

*pumatak ang unang patak ng ambon.

"ayan na. Sabi ko na nga ba. Nakikiramay ang langit sayo."

"umuwi ka na."

"may payong ako. Ikaw ang umuwi na."

..."teka! Hubarin mo nalang ang sapatos mo. Hindi ka makakalakad ng maayosna suot yan. Saka, magagalit ang may ari nyan kapag nabasa yan. Maghugas kanalang agad ng paa pagka-uwi mo. Sabunin mong maiigi. At kung may kalamansikayo, ibabad mo ang mga paa mo sa mainit-init na tubig na may kalamansi. 2tabong tubig. 10 kalamansi. Banlawan mo ang sarili mo. Maligo ka. Gagaan ang pakiramdammo kapag nakaligo ka. Kung may gatas kayo, uminum ka ng mainit na gatas. Atisulat mo ang lahat ng nangyari ngayong araw. Maniwala ka. Makakatulong yonpara gumaan ang pakiramdam mo. Ingat ka pauwi. Tandaan mo, magiging maayos dinang lahat. Ba-bye!"

hindi na nakapagsalita si Pilo. Agad-agad tumakbo ang babae palayo. Tangan angkanyang dilaw na payong.

Lumakas ang ulan. Tinanggal nya ang sapatos. At ipinang pandong ang jacket.

Umuwi ng bahay.

Sampung tambling lang ay nakauwi na sya.

Nilinis ang sapatos na hiniram.
Naghugas ng paa.
Naglublon ng paa sa tubig na may kalamansi.
Naligo sandali.
Uminom ng milo.

Nagpasalamat sa kalayaan ng mga buhok na iginapos ng gel.
Masaya na ang mga paang may paltos.
Nasa labahan na ang gusot, marumi, at basang polo at pantalon.

Kaharap ang papel, tangan ang ballpen sa kamay, si Pilo ay nag umpisangsumulat.


-naiwan ko ang mga bulaklak sa upuan. Basang-basa na siguro sila ngayon. Basang lusaw na insulto at sakit na dinanas ko ngayon. Inanod na ng baha ang lakasng loob na inipon ko. Tinangay na ng ulan ang mga letra ng pick-up lines.Sayang naman.
Dilaw ang payong nung babaeng nanglibre sa akin ng fishball.

Sa tingin ko, dapat akong maniwala sa sinabi nya na maayos din ang lahat.
Evelyn. Maiintindihan ko rin ang lahat balang araw.

Wala paring babala sa lugar na iyon. Babalik ako ron, para kumuha ng aral. Paradumating yung araw na maging ok na ako.
Naiwan sa bulsa ng jacket ko ang panyo. Sa palagay ko, alam nung babaeng yon naiiyak parin ako.

May nakatatak sa panyo...

(~_~) smile.

#ampalaya-two ng #ampalaya-one.*Take 3 ng Ampalaya Series?
by Lyka Cuya on Thursday, October 18, 2012 at 2:05am·
#relate much.

Nilingon ko si Pilo habang palayo itong tumakbo pauwi.

Naghalong lungkot, saya, panghihinayang, inis, pagtataka, awa at pag-asa angnaramdaman ko sa nangyari.

Lungkot.
Para sa pagkabigo ng pusong labis-labis na nagmamahal.

Saya. Sa nagawang pag-alalay sa isang taong nangangailangan ng pag-agapay.

Panghihinayang. Sa kung istoryang kung tutuusi'y pwede naman magkaroon ng fairkundi man happy ending.

Inis. Sa taong hindi nalang nagpakatotoo sa umpisa nang wala nang pusong umasa.

Pagtataka. Kung bakit may mga taong nagagawang paglaruan ang damdamin ng kapwanila.

Awa. Para sa isang lalang na ginawa ang lahat para sa isang taong hindi namankarapat-dapat pag-alayan ng labis-labis.

Pag-asa. Na sa kabila ng sinapit ng kaibigang hindi nga alam ang ngalan ko'ymakukuha nyang muling ngumiti at makatagpo ng taong karapat-dapat pag-alayan ngdakila nyang puso.


Pilo... Magiging napaka-haba ng gabing ito para sayo. Sana'y magkaroon ka ngsapat na lakas ng loob upang paglabanan ang lungkot at sakit ng nangyaringayong araw.

Nagmahal ka ng lubos, at nabigo.
Hindi magiging madali ang paghilom.

Kung mabibigyan akong muli ng pagkakataon, handa akong tulungan ka.

*sigh.

Inilahad ko ang mga palad ko upang damhin ang pagpatak ng mga butil ng luha nglangit.

Tumatangis ang mga anghel. Kahit sila'y nasaktan sa iyong sinapit.

Naisip ko, parang tubig ulan ang pag-ibig.
Hinding hindi mo ito mahahawakan sa iyong mga kamay. Kung nais mo itong makuha,kailangan mong maglagay ng drum sa tapat ng alulod para sure.

Naka-yapak ang aking kaibigan na hindi alam ang ngalan ko. Naisip konglubos-lubusin ang pakikiramay kaya't hinubad ko rin ang sapatos ko.

Ayus lang. Lalakarin ko rin naman ang daan pauwi. Ipag-pray ko nalang na sana,walang bangag na nagbasag ng bote sa kalsadang daraanan ko...

*sigh.

Pag-ibig.
Malapit na akong makumbinse na hindi ka nakakatuwang bagay... O damdamin... Oexperience.

*sigh.

Kaibigan... Sana'y kapulutan mo ito ng ar....

Aray!

Pisteng thumbtacks naman to! Buti hindi bumaon!

Haaaaaay...
Pilo. Sana'y kapulutan mo ng aral ang mga nangyari...

Kahit ako, may napulot ding aral...at thumbtacks.

Maya-maya pa'y narating ko rin ang aming boarding house.

Pag-akyat ko sa aming kwarto, agad-agad akong nagbanlaw ng katawan. Naghugas ngpaa. At halos umubos ng alcohol. Nagtimpla ng kape at umupo sa viranda.Pinanood ang patuloy na pagpatak ng ulan. Pinagmasdan ang maulap na langit.

*may pasok kaya bukas?

Nasa kalagitnaan ako ng pagninilay-nilay nang bumukas ang pinto at sumulpot angmukha ng boardmate kong kasing haba ng Edsa ang brown hair.

"uy! Nagmumuni-muni ang lola! Haaaaaay... Grabe. Letseng ulan toh! Panirang date! Napa-aga tuloy kami ng uwi dahil nagworry si Johnson na baka bumaha attumirik yung kotse nya sa daan. Nga pala, nahiram ko tong bag mo. Hindi kasibagay sa damit ko yung bags ko. Ok lang?"

ok lang. -sagot ko.

Yung bag, ok lang. Hindi ko naman yan ginagamit eh. Kung gusto mo, sayo na.

"wow! Really? Sa akin na? Thanks friend!"

tumingin akong muli sa langit. Humingang malalim...

Saka ko naisip na magtanong.

Kayo na ba ni Johnson?

"ahihi. Oo girl. Kami na. Anu ka ba? Ang slow ng senses mo ah... 2weeks nakami."

*very...very...very deep sigh.

Paano mo yun nagawa?
Paano mong nagawang pagsabayin ang dalawang lalake?
Paano mo nakuhang makipag-date habang may isang taong naghihintay sayo?

"huh?"

mukhang kanina mo lang nagawang bitawan ang isa mong aliping sagigilid.

"girl, over the bakod na kaweirduhan mo ha! Anu bang sinasabi mo?"


kung hindi mo naman talaga mahal yung tao, dapat noon pa, sinabi mo na sakanya.
Nanghiram pa sya ng sapatos, para lang magmukha syang presentable.
Apat na oras syang naghintay sayo.
Binilhan ka nya ng bulaklak.
Nag-ayos sya, para sayo.
Inabot nalang sya ng ulan sa lugar na yon habang ikaw, nagsasaya kasama angiba.

"omg! Don't tell me, you're talking about that construction guy?"

May pangalan sya!

"wow kyle... Are you nagging me, over that cheap guy? Look. I never tookhim seriously. Never in my wildest dreams!"

why did you say "yes" then? Bakit ka nakipagrelasyon sa kanya kunghindi mo naman pala sya mahal?

"for fun! For sport! Oh come on kyle... I'm not some cheap slut to staywith a guy like that! Nag-aaral ako. Hello!"

that's exactly my point! Nag-aaral ka. Dapat may-aral ka. Fine! Let's say nahindi bagay ang estado nyo. Kung yan ang pananaw mo, bakit ka panakipagrelasyon? For fun?
The hell with your concept of fun! Kailan pa naging fun na paglaruan ang tao naalam mong walang laban sayo?

"girl. Honestly, ang baduy mo! Inaaway mo ako, dahil lang sa baduy na yon?He's a construction boy. Highschool lang ang tinapos nya. Napaka-baduy nya.Kahit nga ang pagkukunwaring like ko sya, nakakasuka. It was just a dare game.That's all. Dapat nga, magpasalamat pa sya. Naranasan nyang magka-girlfriend ngcollege student. Duh!"

*Pumikit ako at humigop ng kape pampakalma.

Maya-maya'y nagpasyang magpaka-undin.

Mapalad ka. Ipinanganak kang komportable ang pamumuhay. Mapalad kangnakatuntong ka sa kolehiyo. Lumaki kang maganda. Marami kang kaibigan dahilcool ang tawag nila sa mga tulad mo.

Pero alam mo, kahit anu ka pa, kahit anong meron ka, wala ka paring karapatangpaglaruan ang damdamin ng kapwa mo.
Higit kanino man, ikaw, na pinagpalang makapag-aral ang dapat na nakaka-alam atnakasusunod sa konsepto ng tama at mali.

Kung ikaw ang magsisilbing example ng word na cool?
Then, nakaka-suya pala ang maging cool.

"this is life kyle. This is the truth. Kasalanan ko ba kung mainlove nghusto sa akin yung mokong na yon?"

kung tulad mo ang kaiinlaban?

Siguro nga, kasalanan.

"you know what, you don't make anysense. You're just some nerd, virgin,loser!"

*sigh.

And YOU, you really think YOU, have the right to question my sense?

i'm starting to wonder how you passed gradeschool.

You should go back to grade 3. I think you missed Character Development.

"keep your bag!"

No. I already gave it to you. It suits you. It was worth a realy good price.

"are you insulting me?"

oh, am i? I'm sorry. I thought you don't feel anything.

"you're crazy."

not as crazy as you are.




#mahimbing nang natutulog si Pilo sa papag.

Tuloy parin ang ulan.

Ako pala ang magkakaroon ng mahabang gabi.

Bago mamayani ang dilim sa aming kwarto, narinig ko pang bumulong ang boardmateko.

"bitch!"

sa isip-isip ko: masaya akong malaman na nasasaktan ka rin. Ibig-sabihin maybutil ka pa ng konsensya.

Nakatulog akong nakangiti.


#ampalaya-two 'n one ; #ang hindipadin ending na Take4! *woot-woot!
by Lyka Cuya on Friday, October 19, 2012 at 11:31am·
#anumang sakit at sugat na iyong taglay, hindi padin pwedenginumin ang Betadine.

Maniwala ka.

Na-try ko na at hindi sya masaya.



*sino nagsabing bawal matulog ng mahimbing ang pusong sugatan?

Kung tutuusin, ang pagtulog ng mahimbing ang pinaka-mabisang first step ofmoving on.

Nagawa ni Pilo ng ubod ng husay ang first step.
With matching tulok. (ubod talaga ng husay).

Ako ang medyo puyat.

Ayos lang. Hindi ko naman kailangan mag-move on.

Hindi ko kailangan i-take ang first step.

Bumangon ako around 5am para maghanda sa pagpasok.
10am pa ang klase ko. 15mins walk lang ang layo ng university mula sa boardinghouse. Maaga akong gumising dahil may sa-pagong ako kumilos.

Hindi ako tamad.

Masarap lang namnamin ang bawat pag patak ng oras.

Sarap ng tulog ng mahadera...

Parang may kung anong boses na bumubulong at nagtutulak sa akin na abusuhin angpagkakataon.

Bulong: buksan mo ang bungo nya at i-disect mo ang utak nya para mafulfill angcuriousity mo kung may laman ba yon o kung paano yun umaandar... (shhhh...)

hmmmmm...
Bakit hindi?

Nais kong maunawaan ang mga sumusunod:

1. Ano ang konsepto nya ng Fun?

2. Ano ang konsepto nya ng Tama at Mali? (yun naman ay kung meron lang).

3. Bakit may pagkakataong langgam ang tingin nya sa kapwa nya tao?

4. Anung meron kay Johnson, bukod sa college education, kotse at pera?

5. Anung wala kay Pilo, bukod sa college education, kotse at pera?

6. Bakit magkaiba kami ng interpretasyon ng "social class"?

7. Bakit kailangang magpadala ng 9 out of 10 teenagers (at feeling teenagers)sa tinatawag na "peer pressure"?

8. Bakit magkaiba na ang meaning ng salitang "cool" noong 18thcentury at Present Day?

9. Bakit hindi kailanman maging balanse o tugma ang Physical Appearance andCharacter?

10. ... At bakit may mga taong saka lang nagpapa-alam kapag nagamit na nila anggamit na hindi naman nila gamit?

*pahabol na tanong: kung tatanungin ko kaya tong babaeng to kung anung masasabinya tungkol sa Climate Change... Sasagutin nya kaya ako? O iibahin nya angtopic tulad ng concert ng Johnson Brothers? (jonas) hahahahahaha!!!

#si aling Lucy

Pilo, anak...
Gising na.
Nakapag sangag na ako at nakapag pirito na ng tuyo (sarap!)...
Halina't mag-almusal na tayo.

Nagising mula sa pagkakahimbing.
Nagtunugan ang mga buto kasabay ng pag-inat.
Huminga ng malalim. (ops, weapon of mass destruction!)

salamat sa bagong umaga.

Masakit parin ang mga paa. Ngunit 'di hamak na medyo mas mainam na angpakiramdam.

Napansin ang panyong naka-patong sa lampshade na sumuko na sa pag ilaw.

#hindi bangungot ang lahat.

Nag-ayos.

Kasabay ang ina, nag almusal ng masarap na sinangag, tuyo, kamatis, suka na maybawang, mainit na kape...

At nakakabinging katahimikan.

Nakikiramdam si Aling Lucy.

Ang hindi pagku-kwento ng anak ay taimtim na nauunawaan.

Kawawang bata... Mukhang wasak ang puso.

Sa gitna ng katahimikan at mayuming pag nguya, humigop ng kape si Pilo.

Ayos lang po ako Nay. (sa wakas).

Ano yun anak?

Sabi ko po, ayos lang ako. Wag po kayo mag alala.

Hindi ako nagkamali! May super powers ka nga anak! Kaya mong mag mentaltelepati!

Nay, hindi ko po kailangan ng powers para mabasa ang mga tingin nyo. Sapat napong mag-ina tayo.

Oo nga naman anak. Pero, bakit ang kuya mo, hindi kayang basahin ang isip ko?Posible kayang, hindi ko sya talaga anak? Pero, ako ang nagluwal sa kanya. Anakko sya. Siguro, wala lang talaga syang super powers.

Nga pala, anak. Malapit nang matapos ang pasukan. May konti akong ipon. Siguronaman, may naitatabi ka rin. Pagsamahin natin ang ipon natin at mag enroll ka.Kahit two years lang anak.

*huminga ng malalim si Pilo.

Mahal pong mag aral nay.

Papaki-usapan ko ang kuya mo na tulungan ka.

Baka murahin lang kayo non. Wag na.

Ayos lang anak. Sulit ang mura, basta matulungan ka nya.

Nay, gusto nyo po ba talagang mag-aral ako?

Yun ang pangarap ko para sa iyo anak. Ikaw, hindi mo ba yun pangarap?

Bakit po ba naimbento ang kolehiyo? Bakit ganoon nalang kahalaga ang diploma?Yun lang ba talaga ang sukatan ng pagkatao?

Ay! Maryosep naman anak! Huwag mo akong tanungin ng mga tanong na matatalinongtao lang ang makakasagot. Ang alam ko lang, bilang nanay, pangarap ko angmapabuti ang mga anak ko. Dito sa Pilipinas, mahihirapan kang makakuha ngrespeto kapag hindi ka nakapag kolehiyo. Alam mo yung mataas na pader na hindimo nakikita? Pero alam mong may pader na nakapagitan sayo at sa ibang tao namay aral? Maaring hindi salamin ng buong pagkatao ang diploma. Pero, yonmarahil ang magsisilbing maso na pwede mong gamitin para gibain yung imbisibolna pader na nakaharang sayo. Kung hindi na magaaral, wala naman mag aabalangmagbigay sayo ng hagdan para makapag ober da bakod ka.

#mapait na katotohanan.
#mapait na sistema.
#mapait na hindi malay ng ina, na may malawak itong isip.

Naisip ni Pilo na may sense ang sinabi ng ina. Batid nya na bagama't hindinaman talaga salamin ng pagkatao ang diploma'y susi ito para makasabay sabaluktot na sistema ng timbangan ng pagkatao.

Batid nya rin na malaking parte ng kabiguan sa pagibig ay dulot ng estado nyasa buhay.

Sino nga bang kolehiyala ang makikipag seryosohan sa tulad ko?- inside Pilo'shead.

#wala pilo. Malakas ang kutob kong wala.

Alam ko, alam ko! -inside pilo's head.

*walang raket si Pilo ng araw na yon.

Tambay.

Sa salitang edukado, Rest Day.

In short, RD. (oh yeah!)

napiling pag-isipang mabuti ang sinabi ng ina.

Para sa kanya, hindi naman sukatan ng pagkatao ang diploma.
Hindi naman porke may diploma ka'y mabuti at mahusay ka nang tao.

Bakit si kuya? Tapos sya ng electrical engineering. May diploma at nagoopisina.Ngunit hindi naman kinaya ng diploma na hulmahin ang kanyang buong pagka-tao.

#Ang isang taong may magaspang na paguugali, kahit siguro punuin mo ng diplomaang dingding, bulok at bulok padin.

Naalala ang talong na minsang binili.

Ubod ng kinis ang labas, ngunit inuuod na pala ang loob.

Sayang na talong. *oh my gulay!


Ngunit kung tutuusin, hindi din naman masama kung magdagdagng ASSET. -INTELLECTUAL ASSET AT THAT! (naaaaks!)

kahit na iba ang aking pananaw, makabubuti rin naman sa akin kung makapag-aaralako. Para sa katuparan ng pangarap ni Nanay. At para makabawi sa lahat nginsultong dinanas at dinaranas ko mula sa ibang tao. Maging sa sariling kadugo.

Hindi ko naman pinangarap ang marangyang buhay.

Sapat nang matrato ako ng may pagrespeto at makaranas at mabigyan ng patas naoportunidad.

...at ang hindi na muling maiwan sa ere dahil sa pagiging hamak na constructionboy. -inside pilo's head.

#ampalaya One and Two: Take5!Starring: Mang Ben
by Lyka Cuya on Tuesday, October 23, 2012 at 11:28am·
#ang buhay ay nilikhang hindi patas.
Kung nais mo ng patas na buhay, kumilos ka at lumikha ng sarili mong hustisya.

#"kung hindi ka tagumpay sa buhay pag-ibig, ibuhos ang iyong oras sa mgabagay na alam mong magtatagumpay ka. Napaka-iksi ng buhay para sayangin sapaghahabol sa biyaheng hindi naman nakalaan para sayo. Huwag mong asaminglumipad kung palikpik ang tangan mo at hindi pakpak. Lumangoy ka. Dahil nilikhaka para lumangoy at hindi para lumipad.

Gamitin ang biyayang ipinagkaloob sayo. Gamitin ito para bumangon sa putikangpinaglusakan mo.

Huwag kang magtagal sa iisang posisyon kung ayaw mong ma-stroke."

-mga aral ni Mang Ben

*the epic new beginning.

Nagpasya si Pilo na magaaral. At hinding hindi nya aatrasan ang hamon gaano manito kahirap.

Nagising na mula sa panaginip:
umiyak.
Nagwala.
Nagmarkulyo.
Naglasing.
At sa gitna ng ulan, lumuhod at isinigaw ang pangalan.... -EVELYN!!!

Kinitil ang eksenang ubod ng kakornihan.

Inihanda ang dibdib sa bagong umaga.

Lalanguyin ang malawak na karagatan ng bagong pangarap.
Bitbit ang pagasa.

#bago ka humakbang, siguraduhing yun ang iyong nais tahakin: ang landas ngpagbabago.

Lingunin ang kahapon upang masigurado ang magiging hakbang ngayon na magdadalasayo sa iyong walang kasiguraduhang kinabukasan.

Balikan ang lugar kung saan naiwan ang pira-piraso ng iyong sarili.

Tangan ang tiwala sa iyong pangarap, buuin ang dapat buuin.

Kung saan nagtapos ang iyong yugto kahapon, doon mo simulan ang iyong bagongngayon.

Balikan ang lugar kung saan ka namatay. At dun, bumangon ka na tila zombie nakakain ng maraming gulay.


Sarap.
-mga aral ni Mang Ben


tumulak si Pilo kung saan sya nabigo.

Tinahak ang daang nilapatan ng mga paang sugatan at bugbog-saradong pagkatao.

Narating ang upuan kung saan napako ang kanyang mga luha.

Umupo sa kanyang sulok.
Inilapat ang panyo sa kanyang tabi.

Doon, kung saan naupo ang kaibigang hindi nya alam ang pangalan.

Doon, kung saan nanatili at nakinig ang isang pares ng tainga na puno ngpasensyang dumamay sa panahong yurak na yurak ang kanyang pagkatao.

Doon sa kanyang tabi.

*hindi manlang ako nakapag-pasalamat. -inside Pilo's head.

Ninamnam ang mga nangyari.
Masakit.
Pero ubod ng katuturan.

Hindi parin lubos na maunawaan.
Ngunit tangan ang tiwalang magagawa rin nyang maunawaan ang lahat balang-araw.

Ipinikit ang mga mata. Ninamnam ang natitirang hapdi.

Mauubos rin ito, sa tamang panahon. -inside Pilo's head.

"huy!"

*pamilyar.

"huy!"

*parang nangyari to kahapon.

"huuuuuuuy!!!"

*sigh.

Pati ba naman sa isip, mangungulit ka?

"bakit ka nandito? Hindi mo ba alam yung salitang TRAUMA?"

*lumingon sa pinanggagalingan ng boses.

"bakit ka andito?"

*natigilan.

"ano yan? Nervous breakdown? Hindi ka na nakakaintindi ng salita?"

*titig.

Ito pala yung babaeng may dilaw na payong.

"ba-kit ka an-di-to? O-k ka lang ba? A-nong gi-na-ga-wa mo di-to?"*robotics mode activated!

*taka.

Ok ka lang miss?

Huh?

Sabi ko, ok ka lang ba? Bakit ganyan ka magsalita?

Akala ko, snapshot brain ka ngayon. Kaya ganun ako magsalita.

Kakaiba ka.

Haaaaay. Ok ka lang pala. Akala ko, may nervous breakdown ka na.
Paupo nga. Usog!

Dito ka sa kabila. Ito ang pwesto mo.

Ok...ok.

*pagka-upo.

Salamat kahapon.

Si Wolverine ka ba?

Ha?ano?

Si Wolverine ka ba sabi ko.

Hindi ako si Wolverine. Ako si Pilo.

*slow.

Bakit ka bumalik dito?
Hindi ka ba naglamay? Nagluksa? Bihira akong makakita ng taong bumabalik salugar kung saan sya nalusaw.

Magsisimula na ako. Kaya minarapat kong bumalik dito.

Ah... Kaya pala.

Naintindihan mo?

Hindi. Pero, siguro, kung magbubuo ka ng puzzle, dapat lang na ipunin mo munaang bawat piraso.
Siguro, dito mo naiwan yung ilan sa mga puzzle pieces.

Ganun nga.

Ah... Kaya pala.

Mag aaral na ako.

Dahil broken hearted ka?

Hindi. Oo.
Oo. Broken hearted ako. Pero, hindi lang yon ang dahilan. Napaka-raming dahilankung bakit.

Sabagay. Magandang simula yan.

Sa tingin mo, yun ba talaga ang dapat kong gawin?

Oo.
Wala nang magnakaka-awa pa sa taong hindi kayang iahon ang sarili sapagkakadapa. Kaya, tama lang ang gagawin mo. Kapag nabigo ka sa isang aspeto ngbuhay mo, bumawi ka sa iba. Bumuo ka ng bagong pangarap. At gawin mo ang lahatpara matupad ito.

Matanong ko lang, kilala mo ba ako?

Alam ko ang pangalan mo. Pero, hindi ko talaga kilala kung sino ka.
Ang totoong kilala ko, yung babaeng iniyakan mo.

Si Evelyn?

Bakit, may iba pa ba?

Kilala mo pala sya. Ano mo sya?

Boardmate.
Kakilala.

Hindi mo ba sya kaibigan?

Siguro. Sa ngayon, hindi ko sya favorite.

Bakit?

Ewan ko.

Kung boardmate mo sya, siguro, alam mo kung bakit nya ako hiniwalayan.

Alam ko kung anong nangyare. Pero, hindi ko talaga alam kung anong dahilan nya.

Sa palagay mo, bakit?

*tumingin kay Pilo at humingang malalim.

Mahalaga ba sayo yun?

Hindi naman masyado.

Hindi ka ba makakahakbang kung hindi mo malalaman ang reason nya?

Hindi naman siguro.

Huwag mo nang halungkatin ang dahilan. Hindi ka masisiyahan.
Sapat na yung nangyari kahapon.
Sapat na yon para magsimula ka.

*walang naglilista ng noisy. Pero, biglang naging noiseless ang paligid.

Kung malalaman mo ang lahat, posibleng magtanim ka ng galit.
At kapag nagtanim ka ng galit, ang pagsisimula mo ay magiging paghihiganti.

Hindi kita maintindihan. Pero, sapat na ang ginawa mo kahapon para magtiwalaako sayo.

Salamat kung ganon.

Bakit ka nga pala andito?

Dito ako madalas mamasyal.

Pwede ka bang maging witness?

Bakit, may papatayin ka ba?

Wala. Gusto ko lang na ikaw ang magsilbing witness ko sa pangakong bibitawan kosa lugar na to.

Mahilig ka rin sa drama no?

Hindi ba pwede?

Sige na nga. Tagpatol ako sa mga kadramahan ng tao eh.

Mamaya, bago lumubog ang araw. Mangangako na ako.

Ok.

Bakit ka palaging tumatambay dito?

May mga bata akong dina-dalaw dito. Tinuturuan magbasa. Saka nagbabaka-sakalina baka may korning broken hearted na kailangan ng tulong.

Hilig mo palang magturo.

*smile.

Hindi.
Ang totoo, ako ang tinuturuan ng mga nangyayari sa paligid.

Medyo magulo ka.

Ayos lang ang magulo.
Matatakot ako kapag hindi na magulo. Kasi ibigsabihin, tapos na ang lahat.

*walang naglilista ng noisy.
Pero biglang naging noiseless ang paligid.

Hinihintay ang paglubog ng araw.

Saksi ang upuan at puno...

May magkaibigang magbibitaw ng pangako.

Kasabay ng paglubog ng araw.

#tanghaling tapat pa lang. Malayo pa ang sunset.


#ampalaya tea: sa pagitan ng tirikna tanghali at ng marikit na dapithapon; Take6
by Lyka Cuya on Tuesday, October 23, 2012 at 2:36pm·

#"Happiness is your birthright.
you do not need anyone's approval to be happy.
The choice is yours to make.
Yours alone.
And when you chose to be happy, no matter what happened in the past,
then, you made the greatest choice you can make in your entire lifetime."

*endless silence.

Dalawang pagong ang nagtatampisaw sa alon ng dagat ng buhay.

Kahapon.
Alam mo ba na magkikita kami rito?

Hindi.

Ibig-sabihin, hindi mo sinadya na tulungan ako?

Pilo, itinuturing kitang kaibigan. At oo, tinulungan kita. Pero, huwag kamasyadong magfeeling gwapo na conclusion mo eh sinadya kong abutan kang luhaandito.
Sorry. Ayokong barahin ka. Magbato ka ng saktong tanong at hindi ka mababara.

Sorry. Nakalimutan ko, regular ka nga pala rito. Nagkataon lang siguro nanandito ako. Kapalaran nga naman.

Hindi porke hindi ko sinasadyang abutan kang nagmomoment dito eh kapalaran naang tawag don.
Malaking joke ang destiny. Huwag kang sentimental masyado.

Eh, anu yung nangyari? Kung hindi yun kapalaran?

Alam mo yung sa pagitan ng abo at kahoy, nandon yung apoy.
Yung nangyari kahapon ay isa lang normal na araw ng pagsasagawa ng habbits parasa akin. At sya namang araw ng mapait na katotohanan para sayo.
Abo na yung kahapon.
Nasa apoy ka na ng biyahe mo ngayon.

Ikaw, nasan ka?

Nasa apoy ako ng sarili kong biyahe.

Hindi ko maintindihan.

*tsk. Men.

Ganito. Ang biyahe mo ay biyahe mo Pilo. Nangyare lang na nagkasabay tayo saEdsa. Traffic. Kaya nagkakilala tayo. Pero ang biyahe ko ay biyahe ko. Hindiporke nagkasabay tayo minsan ay nasa iisang biyahe na tayo. Iba ang bababaanmo. Sabihin nalang natin na sa baclaran ka bababa. Ako, sa pasay.

Ang hirap nyo intindihin mga babae.

Don't generalize.
Minamaneho mo ngayon ang jeep mo. At minamaneho ko ang sa akin.
Traffic. Kaya nagkasabay lang tayo. Kapag green na ang ilaw, iba na ang daanko.

Ay. Sige na nga!

*endless silence.

Pero, ang galing ah... Kung wala ka kahapon, ano kayang nangyari sa jeep ko?

Mababangga ka. Kasi, bawal ang driver na umiiyak. Mahuhuli ka ng mmda.

Ikaw, hindi mo pa ba naranasan mahuli ng mmda?

Hindi pa. Sa office ng mmda nagwowork kuya ko eh.

Korap!

May sa judgmental ka rin eh noh? Hindi ako nahuli ng mmda dahil mmda kuya ko.Hindi ako nahuli dahil hindi ko ugaling umiyak habang nagdadrive.

Buhay padin ba pinaguusapan natin o pagdadrive?

Pareho.

May tanong ako. Ok lang?

Kanina kapa tanong ng tanong pansin mo?

Sa tingin mo ba, tama yung nangyari sa akin? Patas ba yon? Siguro masaya sya nanasaktan nya ako. Pero, tama bang ganun ang isipin ko?

Feeling mo, biktima ka ng mundo? Umay na umay ako sa mga telenovela. Kasi,pakiramdam ng mga bida, biktima sila ng mga kontrabida. At yung mga kontrabida,kaya sila naging kontrabida, kasi, minsan silang mga bida na naging biktima ngiba pang kontrabida. And the cycle never ever ever ever ends.
Nagtataka ako kung saan napunta yung creativity ng mga writers.

Si Evelyn yung pinaguusapan natin.

Ay. Oo nga.
Oo. Nasaktan ka sa mga nangyari. Pero, tama bang isiping biktima ka?
Nainis din ako sa kanya sa nangyari. Pero, kung iisiping mabuti kung tama omali ang ginawa nya, kung ako ang tatanungin, hindi. Kasi, hindi ko yun ugali.Kung ikaw tatanungin, mas lalong hindi. Kasi, inuhog ka nga kahapon diba?
Pero, ano nga ba ang tama at mali?
Sa palagay ko, may kanya-kanya tayong konsepto ng tama at mali base sapangangailangan.
Maaaring hindi pa natin lubos na maintindihan kung paano naging tama para sakanya ang ginawa nya.
Pero, tulad ng sa taong nagnakaw ng tinapay dahil sa matinding gutom, mas gustoko nalang isipin na may mas malalim pa syang dahilan kaya nya yun nagawa.

*nagiisip.

Magnanakaw. Tinapay.
Gutom ba sya?

Hindi. May pera sya pambili ng tinapay.
Alam mo ba yung hierarchy of needs?

Hindi. Highschool lang inabot ko.

First year highschool ko unang narinig yun. Sa values education.
Nasa tatlo lang yan.
1. Absent ka.
2. Hindi nadiscuss ng teacher nyo, o
3. Absent minded ka.

Hindi ko alam. Ano ba yon?

Diba, basic needs ng tao, pagkain, damit, at bahay. -yun yung basic. Hindi kona binaggit yung tubig at vitamins na complet from A to Zinc kasi, nasa sapagkain na yon.

Oh, tapos...

Sa paglipas ng panahon, nung nagkaisip na ang mga tao at nakumbinsi tayo namatatalino tayo, nadagdagan na yung needs na yon.

*tahimik na nakikinig.

Hindi ko hilig magpanggap na matalinong tao kaya paiksiin ko na.
Bukod sa 3 basic needs ng tao na nabanggit ko, may bagong need na naimbento angmga tao na tinatawag na Social Acceptance.
At dahil sa social acceptance, hindi na kontento ang mga tao sa pagkain, damitat bahay. Parang online games na na-upgrade ang lahat.
Sa pagkain, dapat masarap. Baka daw kasi sabihin ng kapit-bahay, ang cheapkapag naamoy na tuyo ang ulam.
Sa damit, dapat, branded at uso. You know, para masaya sa mata ng ibang tao(kunwari, importante yon).
Sa bahay, dapat maganda! Kung kayang may elevator, maglalagay ng elevator!Kahit pa 90% ng kabuuang bahay, hindi naman maeenjoy.
At dahil nga sa Social Acceptance, naiba na ang takbo ng utak ng tao.Nakakagawa na ng mga bagay na kung tutuusin ay hindi naman kailangan at hindidin tama. Alam mo kung bakit?

Bakit?

Kasi, mas gugustuhin na ng mga tao na gumawa ng hindi masyadong tama... Paralang makibagay sa agos ng panahon.
Para matawag na IN. At para matanggap sila sa Society.

Ah... Ganun pala. Nakakalungkot naman kung ganun.

Nakakalungkot ba? Yun na kasi ang mundo ngayon.

Ikaw, sumasabay ka ba sa agos?

Hindi. Hehe.

Dahil ba hindi ito tama sa paningin mo?

Hindi naman dahil sa hindi yon tama sa paningin ko.
Nagkataon lang na hindi ko yon kailangan.

Buti ka pa. Sana ako, hindi ko rin yon kailanganin.

Nasa sayo na yon.
Walang sinuman ang may karapatang magdikta kung ano ang dapat at hindi mo dapatgawin.
Kung makatagpo ka ng mga tao na itutulak kang gumawa ng mga bagay para langtanggapin ka nila, umiwas ka sa mga ganong tao. Iligtas mo ang sarili mo.

Hindi ba pagdidikta ang ginagawa mo?

Pilo, malaki ang kaibahan ng pagdidikta sa pag papa-alala.

Ah... Salamat.

Saka ka magpasalamat kapag nagamit mo ang mga payo ko.
Sayang ang salamat kung hindi naman magagamit ang isang payo.

Sabagay.

*endless silence.

Ikaw, anong istorya mo?

Huh?

May boypren ka ba?

Wala.

Bakit naman wala? Maganda ka naman? Saka madami kang alam.

Kung yan lang ang basehan ng pagkakaroon ng boypren, baka nagbibilang lang akong lalake. Kaso, hindi naman ganon yon.

Pihikan ka no?

Hindi.

Eh bakit wala ka pang boypren?

Wala sa listahan ng needs ko ang boypren sa ngayon.

Eh, kailan mo yun kakailanganin?

Siguro, kapag nagmahal na ako.

Eh kailan ka magmamahal?

Hindi ko pa alam.

Paano kung hindi ka magmahal? Hindi ka magaasawa?

Baka. Baka nga ganun.

Sayang naman. Sayo mapuputol ang lahi mo.

Sige. Para sa ikasisiya mo, kakailanganin ko ng boypren kapag wala akongnahanap mahalin alang-alang sa breeding. Ok na?

Kakaiba ka.

Hahahahahahahahahahahahahahahahahahahaha!!!

Pero, seryoso, salamat. Maraming salamat.

*tumingin kay Pilo.

Mabuhay kang masaya Pilo.
Huwag mong hayaang hawakan ng iba ang kaligayahan mo. Panatilihin mong hawakang iyong sarili. Para anuman ang mangyari, magagawa at magagawa mong tulunganang sarili mo.
Buo ka ng pangarap. Libre lang yon.
Tuparin mo ito sa abot ng iyong makakaya.
Huwag mong hayaang pigilan ka ng pagkakataon.
Sa bawat pagtatapos ng araw, huwag mong ipipikit ang mga mata mo, hangga'thindi mo napagtatanto ang aral ng buong araw.
Maging masaya ka.
Kapag nasaktan ka, iiyak mo.
Kapag nasugatan ka, namnamin mo yung sakit.
Sa dulo ng lahat, may gintong aral na nakalaan sa bawat paghakbang ng mga paamo.

Ang lalim mo.

Hindi ako dagat.

Sabi ko nga.
Sa palagay mo, magiging maayos ang lahat?

Gusto mo bang maging maayos ang lahat?

Oo. Gusto ko.

Pwes, magiging maayos ang lahat. Kailangan mo lang gustuhin ang isang bagayupang makamit mo ito.

*endless silence.

Ano nga palang kurso mo?

Pre-med.

Yun ba ang pagduduktor?

Oo.

Wow! Sabagay, ang mga doktor, mayayaman.

Hindi ko ginustong maging doctor para yumaman.
Gusto kong manggamot.

Ay. Oo nga. Sorry.

Bakit ikaw, anung kukunin mong kurso sa pasukan?

Computer Science. Sabi ng kuya ko, madali daw magkaroon ng trabaho kapag yunang tinapos ko.

Yun ba ang pangarap mo, ang magkatrabaho ng madalian?

Oo. Hindi.
Mahirap kami. Gusto kong matulungan ang nanay ko.

Pero, kung tatanungin ka, kung anong gusto mo maging, anong sagot mo?

Guro.
Gusto kong maging guro.

Guro. Pasado ka nang maging teacher.
Mahusay ka magtanong eh. Sana lang, walang umalpas na bata sa mga palad mo nahindi alam ang hierarchy of needs.

Hahahahahahahahahahahahahahaha!!!

*sigh.

Sige, kung anung kailangan mo sa ngayon, yun muna ang tuparin mo.
Pero, sana, kapag nagampanan at natugunan mo na ang pangangailangan sa ngayon,huwag mong kalimutang tuparin ang totoong pangarap mo.
Kapag nagagawa mo nang tulungan ang nanay mo, at kahit yumaman ka pa, sana,huwag mo sukuan ang pangarap mong maging guro.
Tulad ng doctor, maraming tao ang nangangailangan sayo.

*smile.

Hindi mo pa man natatapos ang kurso mo, nagagawa mo nang manggamot.

*smile.

At kahit hindi ka pa nakakatuntong ng kolehiyo, nagagawa mo nang magbahagi ngaral.

#konti nalang at lulubog na ang araw.


#ampalaya candy: Ang Bitter-SweetConclusion; Last Take! And A Possible Beginning... ;)
by Lyka Cuya on Tuesday, October 23, 2012 at 4:56pm·

#the sun had risen in the east.
Gave warmth and light during the day.
Now, as it sets in the west, two souls will make a vow.

A vow that they shall cherish...

-forever and a day after that.

#may nilalanggam na candy sa kalsada.

Papa-buhay na ang nightlife.

Parami na ng parami ang naglalakad at namamasyal.

Maya-maya, rush hour nanaman.

#may dalawang pagong na nagtatampisaw sa alon ng buhay.

Ninanamnam ang gandang tutunghayan magkasama.
Sa saliw ng hangin na pumupuno sa buo nilang pagkatao.

#it was just 2days, and what a journey it has been. (lakasmaka-graduation mode!)

#there was silence.

Sa tabi ni Pilo, nakaupo ang babaeng sa palagay nya'y maysapi ni Ernie Barron (sumalangit nawa).

Hindi naniniwala ang kaibigan sa destiny. Pero, gusto nyangisipin na kapalaran na ang nagdikta na mabigo sya sa unang pag-ibig upangmatagpuan ang bago.

Masyado pang maaga para sabihin. Ayaw nyang magkaroon ng"rebound concept" sa katawan.

Pero, hindi maiwasan isipin.

"may dahilan kung bakit kami nagtagpo."
-inside Pilo's head.

#decided. -not so decided.

Bibitawan nga ba nya ang pangako? O pwedeng irevise?

Hindi.
Kailangan nyang magpaka-tatag.

Araw...baka pwedeng tumawad.
Huwag ka muna lumubog.
Please. -inside Pilo's head.

#gaano man kabait ang langit kay Pilo, hindi nitomapagbibigyan ang hiling.

Kulay poncan na ang langit.
Hindi pa man december, amoy pasko na ang hangin.
Namamayani na ang musika ng alon.

Nililipad ng mayuming hangin ang buhok ng kaibigan.
Wala itong kurap sa pagkakatitig sa papahimbing na araw.
Sa makinis nyang mukha, nagrereflect ang tila painting nakagandahan ng sandaling iyon.

Nasisilayan ni Pilo ang mukha ng kanyang kahapon,
ngayon at
bukas.

Ang babaeng may dilaw na payong.

Ang babaeng may ari ng panyong nakangiti.

Ang pusong saksi sa aking kabiguan at kabaduyan.
Ang matyagang nagbigay sa akin ng mga aral.
Ang babaeng magiging saksi ng aking kinabukasan.

Habangbuhay kong dadalhin ang iyong mga aral sa aking isip.Gagawin itong pamantayan.
At ang iyong handog na tangan ang iyong mayuming bango...

Ang magsisilbing tanda na sa gitna ng aking pagtangis,matatagpuan ko ang rason para bumangon at muling ngumiti.
-inside Pilo's head...(and slowly mending broken heart.)

*tumingin kay Pilo.
Ngumiti.

Oras na.

*silence.
Deep sigh.

Pangako.
Ipinapangako ko, na mula sa pagsikat ng araw bukas,gugugulin ko ang panahon sa pagpapalawig ng aking sarili.
Tutuparin ko ang pangarap ng aking ina.
At tutuparin ko ang pangarap ko.

Mamumuhay ako ng tama.
Hindi susuway sa pangaral ng aking kaibigan.

Hindi magtatanim ng galit.

Ang kahapon ay kahapon.
Ang ngayon ay patapos na.
Ang natitira nalang sa akin ay bukas at mga susunod pangbukas.

At hindi ko sasayangin ang pagkakataon.

Nanamnamin ko ang bawat aral. Isasa-puso ito, at ibabahagisa iba.

Saksi ang dagat, ang puno, at ang upuang pinagpagkuan ngaking luha, babangon ako at magtatagumpay.

Sa muli kong pagbabalik, hindi na ako si Pilo na walangsabi.

Babalik ako, tangan ang aking tagumpay.

Pangako.

Pangako.

*smile.

Masaya ako, para sayo, Pilo.

Ipagdarasal kita palagi.

Magkikita pa ba tayo?

Oo.
At sa pagkikita natin muli,
sana, hindi na uhog ang sumalubong sa akin.;)

pangako.

*smile.

Saksi ang hangin, langit, dagat, puno at ang kanilangupuan...

Nagkamay ang magkaibigan.

Ilang sandali pa bago naghiwalay ng daan ang mga pagong.

Tatahakin ang kanya-kanyang biyahe.

Bago maghiwalay, ibinigay ni Pilo ang panyo sa kaibigan.

Hindi. Iyo yan. Itago mo yan. Hindi mo lam kung kailan moyan kakailanganin.

Sigurado ka?

Oo. Hindi biro ang tatahakin mo. Maraming pawis, luha atdugo ang dadaloy.
Karamay mo yan sa lahat ng oras.

Paano kung dumating ang araw na hindi na ako iiyak? Ibabalikko ba to?

Walong taon.

Huh?

Ibalik mo ang panyo sa akin, matapos ang walong taon.
Anumang tagumpay ang iyong bitbit, magiging sapat na angwalong taon, para alalayan ka ng panyong hawak mo.
Ibalik mo sya sa akin.
Pagkalipas ng walong taon.

Magkikita tayo? Walong taon?

Oo Pilo. Hihintayin kita.

Paano kung mawala ang panyo, o masira?

Ipaliwanag mo ang mangyayari pagkatapos ng walong taon.

Paano kung hindi na ako ang Pilo na kilala mo pagkalipas ngwalong taon?

Lahat naman nagbabago Pilo.
Basta, hihintayin kita.
At magpapakilala ulit tayo sa isa't-isa. Pagkalipas ngwalong taong.

Pangako?

Pangako.

Muling nagkamay.

At naghiwalay ng landas.

Sa huling sandali, nilingon ko ang aking kaibigan.

Pilo, hindi magiging madali ang biyahe mo...
Magbaon ka ng maraming pasensya, at lakas ng loob.
Hihintayin kita.
At sabay nating ipagdiriwang anumang tagumpay ang masungkitmo.

*tumingala.

Pagpalain nyo po ang aking kaibigan.
Kailangan nya ang inyong pag-gabay.

Magaan ang hakbang.
Ngunit napaka-haba ng daan...

Patungo sa walong taon na bubunuin.
Sa kani-kaniyang mga biyahe.

**********************
 #the whole universe, life itself, is designed to bewonderful.

Wonderful. But not Perfect.

#slowly.but surely.

Inumpisahan ko ang araw na may ngiti sa aking mga labi.

Maagang gumising.

Naglakad-lakad.

Naka-leave na ako, at handa na sa anumang mangyayari ngayongaraw.

Walong mahabang taon.

Magkikita na tayong muli.

#change is a constant thing.

Maagang nagising si Pilo.

Walong taong hinintay ang araw.

Inabot ang notebook kung saan isinulat ang lahat ngnangyari,
walong taon na ang nakararan.

At doon, nakaipit ang kupas na panyo.

Ngunit nakangiti parin ang burdadong tatak nito.

.smile.

Walong taon syang dinamayan ng panyo.
Hindi naging madali ang lahat.

Kinakabahan.
Nagaalinlangan.

Ano na kayang nangyari sa aking kaibigan?

Napakaraming kwento.
Napakaraming nangyari.

Marami nang nagbago.

Makakabawi na ako sa lahat ng nagawa nya para sa akin.-inside Pilo's head.

Andun pa kaya yung mamang fishball?

Kung wala, ililibre ko nalang sya kahit saan.

Buong araw kaming magkwekwentuhan.

Ipapakilala sa kanya ang bagong ako.

Matutuwa kaya sya sa mga kwento ko?

Kasama na kaya sa list ng needs nya ngayon ang boyfriend?
O baka, married na sya for the sake of breeding?

-inside Pilo's head.

Kakaibang babae.

Ang tagal ng walong taon ay tinalo ng mabilis na pagpatak ngoras.

Hapon. Tumulak si Pilo sa pangakong lugar.

Hindi na kailangan ng pick up lines.
Wala nang tagpi ang polong suot.
Maganda ang lapat ng pantalon.
Hirap na sa pagpili ng sapatos na susuotin.

Malinis ang gupit.
Hindi na kailangan ng gel.
Siniguradong mabango ang hininga.
Nagpabango.

Isinuot ang relo.

Walong taon.

Ano na kayang hitsura nya?

Iniwan ang sariling sasakyan, nagcommute papunta sa tagpuan.

Sya ang tipo ng tao na hindi ko kailangan pagpasikatan.
At mahilig syang maglakad. -inside Pilo's head.

#beep.

Patulak na ako sa tagpuan nang matanggap ko ang beep ng headob-gyne ng hospital.

And then, call.

"i'm so sorry, kyle. I know you've filed this day inadvance. Emergency. We need a cardiologist. It's premature delivery and thepatient has heart ailment. Report asap. Need your assistance."

duty over personal matters.

Imbes na sa tagpuan tumungo, dali-daling kong pinaharurotang kotse papuntang hospital.

I'm on call.
Hindi ko pwedeng unahin ang personal kong buhay kapalit ngbuhay ng tao.

Dumerecho ako sa hospital. Naglinis, naguniporme, at tumuloysa e.r.

I'm sorry Pilo.
Kung totoo man ang destiny, siguro hindi tayo destined namagkita.

I'm sorry.
Hindi na siguro ako makapagpapaliwanag.

Sa lugar na yon, muli mong mararanasan ang hindi siputin ngtaong hinihintay.

I'm so sorry.

Sana, hindi mo nawala ang panyo.

#the call.

Nasa pangakong lugar na si Pilo.

Malaki ang ipinagbago ng lugar.

Wala na ang kanilang kahoy na upuan. Napalitan na ngsimento.

Madyo maaga pa naman.

Umupo si Pilo sa kanilang mumunting espasyo.

Duon sa kanyang sulok.

Inilapat ang panyo sa espasyo sa kanyang tabi.

Kupas na'y nakangiti parin.

Napaka-sarap ng pakiramdam.
Walong taon,
at nakabalik ako sa lugar na ito.
Naghihintay sa kaibigan kong ugat ng aking pagbangon.-inside Pilo's head.

Kasalukuyang ninanamnam ni Pilo ang hanging na tila nagbaliksa kanya sa araw na yon walong taon nang nakalipas.

Bago na ang lugar.
Iba na ang mga tao.
Wala nang fishball.
Mamahaling retawran na ang nagkalat.

Pero ang damdami'y ganun parin.

*naka-pikit.
Nagulat sa pagtunog ng cellphone.

"hello nay?"

pagkasagot ng ina'y dali-daling tumalilis si Pilo sakinauupuan.

Tumulak papunta sa kinaroroonan ng ina.

Puno ng pagaalala at pangamba.

Naiwan ang kupas na panyo sa upuan.

Bahagyang tinatangay ng mayuming hangin ang dulo ngkapirasong tela.

.smile.

#few but heartfelt words.

I'm sorry.
Kung nasan ka man ngayon. Kung darating ka sa tagpuan. I'mreally really sorry.

Hindi na ako makapgkukwento, o makapagpapaliwanag.

I'm so sorry.

I hope you can find in your sweet heart a way to forgive me.

I came. Dumating ako.
Kung ito yung tadhana, siguro, nakatadhanang hindi tayomagkita.

Iniba bigla ang biyahe ko. I'm sorry.

*********************************
#a new life.

Madugo ang nangyari.
Alam kong may nasaktan ako sa hindi ko pagtupad sakasunduan.

Ngunit ang pagiyak ng isang sanggol ay sapat na para pawiinang sakit at agam-agam.

Kung mabibigyan ako ng pagkakataon magpaliwanag, alam kongmaiintindihan mo ako Pilo.

Inatake sa puso ang mommy during the delivery.

With God's help, and the team's hard work, ligtas si mommyat si baby.

It's a baby boy.

Everything is stable.

Premature si baby. But he will survive.

He was a brave boy.

Thank God.

Thank God.

Sabay kami ni Doc Eve lumabas ng delivery room.

Pinaki-usapan nya akong samahan sya harapin ang family ngmommy para maipaliwanag ang sitwasyon at mapawi ang worries nila.

When we got out, Doc Eve called out.

"Mr. Agustin!"

"MR. Agustin!"

sa pinaghalong pagod, saya, lungkot at panghihinayang...

Nadinig ko ang sagot ng isang lalakeng punong-puno ngpagaalala.

Yes Doc?

*God. I am always a witness of your unending mystery.

#gulat. Lito.
Hilo.

Dali-daling lumapit si Mr. Agustin kasama si Elder lola Mrs.Agustin kay Doc Eve.

"kumusta po ang asawa ko? Ang anak ko?"

"doc, kumusta po apo ko?"

nagpaliwanag si Eve at inassure na ligtas ang mag-ina.

Parang matic na naibigay ko rin ang aking paliwanag.
Sa pinaghalo-halong emosyon...

May dalawang doctor at isang web designer/teacher nanagulantang sa pagkakataon.

Destiny.

Dala parin ang pagkalito,
mas malakas na ang pagkatao,
malakas ang loob,
pumasok si Mr. Agustin sa ICU kung saan nagpapahinga na siMrs. Jen Agustin.

Si baby Phil ay nasa pedia nursery na, at nasa incubator.But none the less in a very stable condition.

Lumipas ang ilang sandali...

Hinarap kami ni Mr. Agustin.

Maraming salamat, Doc Evelyn.

Nang humarap sya sa akin,

Dr. Kyle....
Maraming maraming salamat.

And i'm sorry.

Naiwan ko yung panyo mo sa upuan.

I never expected that things would turn out this way.

*napangiti kaming tatlo.

Si Eve, nagsorry sa mga nagyari sa past.

Si Pilo, hindi na kailangan magkwento. Batid naming nagtagumpaysya. At ngayon ay proud daddy na.

At ako, na masayang masaya sa kinalabasan ng lahat.

#a heart full of love can never be broken.

Congratulations, Pilo...

Masaya ako para sayo.

Habang nagpapahinga at nagpapalakas ang mag-inang Agustin,
ang nakatatandang Agustin ang nagbantay sa kanyang manugang.

Kaming tatlo:

si Pilo.
Si Evelyn.
At si Ako.

Masayang nakatunghay at nakabantay kay Baby Phil.

Walang malay sa whirl-wind-world na puno ng jokes and life'sgolden lessons.

*sigh.

This is a happy ending after all. ;)

#the promise.
Tahimik na nakalapat ang smiley na panyo sa sarili nyangespasyo.

Nang biglang may malakas na sampal na umalingawngaw sa hindikalayuan.

Tumatangis ang babae na umupo sa tabi ni smiley.

Sa gitna ng pagtangis,

nakita ng dalaga ang isang kupas na panyo sa kanyang tabi.

Kupas ma'y handang sumalo ng luhang dadaloy sa pisngi ngpusong biyak.

Sa gitna ng paghikbi.

Nabasa ng babae ang burda sa kupas na piraso ng tela.

.smile... (~_~)

No comments:

Post a Comment