Tuesday, April 7, 2015

Munting Biyaya


March 5, 2013 at 4:41pm
NASUBUKAN MO NA BANG KUMALAM ANG SIKMURA?
TAS WALANG LAMAN ANG KALDERO.
WALA KANG KALDERO IN THE FIRST PLACE.
WALA KANG BAHAY.

GUTOM KA NA.
UMUULAN AT WALA KANG MASILUNGAN.
ANG UHAW MO KAHAPON AY NAPAWI NG MABIBIGAT AT MAIITIM NA LUHA MULA SA LANGIT.

48HOURS KA NANG WALANG MATINONG KAIN.

ANG MINIRIENDA MO KAHAPON AY KALAHATING FISHBALL NA NAPULOT SA LANSANGAN.

MEDYO MABAHO NA AT MAPAIT.
SANA, WALANG SARS O TB ANG HULING KUMAGAT.

LALAKAD NG WALANG KATAPUSAN.

HINDI NA SUSUGAL NA MANLIMOS DAHIL HINDI NA TRENDING ANG SALITANG AWA SA PANAHON  NGAYON.

HINGANG MALALIM. *sigh.

SINO BANG PWEDENG SISIHIN?

TAKOT AKONG TANUNGIN ANG DIYOS.

MATAGAL NANG NAGTANONG. WALANG SAGOT.





>>>hindi ko pa ito naranasan.

naranasan kong magutom sa paghihintay ng luto ng mama ko habang nanonood ako ng Harry Potter sa TV namin.

naranasan kong maghintay ng 45 minutes para sa pagkain ko sa isang 'FAST FOOD' na hindi naman fast.

nabwisit ako at nilecturan sa MANAGEMENT 101 ang manager.

nabusog malipas ang 1 oras.

umalis na parang walang nangyari.

MAPALAD AKO.
BINIYAYAAN NG KOMPORTABLENG PAMUMUHAY.

madalas kong daanan ang mall.
hindi na ito bago sa akin.
tila naging parte nalang ito ng aking sistema.

tambayan.
tagpuan.
pahingahan.

wala lang.

isang araw, paglabas ko ng mall, pauwi,
sa sakayan.

nanibago ako dahil wala nang sumasalubong na nanlilimos.

itinataboy na pala ng mga guards ng mall dahil hindi sila kasama sa promotion ng 'PLEASURABLE SHOPPING EXPERIENCE'.

naging ugali ko nung college na umupo basta kung saan.
tamang trip lang.

na ginawa ko ulit.

minsan na akong ginabi ng uwi dahil sa pakikipag kwentuhan sa mga rugby boys.
inalam kung saan sila nakatira.
at kung paanong nasa lansangan sila habang inuubos nila ang sana'y pasalubong ko sa mga pamangkin ko.

(sorry, mga pamangkin. babawi nalang ako next time.)




ginawa ko ulit yung ginagawa ko dati.

malas. walang mga batang hamog.

sayang ang tinapay at green tea sa bag ko.

hanggang sa nakita ko si kuya.

ewan ko kung nagru-rugby din sya.

basta, wala syang tshirt at halatang gutom.
wala nang lakas para mangulit ng sinuman para sa kapiraso ng pagkain.

umupo ako sa tabi nya.

(sa mga nakabasa na ng sinulat ko tungkol kay mang ben: oo. bisyo ko ang umupo at tumabi kung kani-kanino.)

inilabas ko yung tinapay at tea sa bag ko.
inalok ko sa kanya.

kung bwisit ang nadama ko nang pinaghintay ako sa pagkain ko...
ano kayang nararamdaman nya na wala na syang hinihintay na anuman?

"kuya, kain ka."

tiningnan nya lang ako.

kinuha ang offers ko. kumain.
habang ngumunguya,
tiningnan nya ako.
ngumiti.

sapat na yon bilang salamat.

hinubad ko ang jacket ko at ibinigay sa kanya.

"kuya, baka umulan. o."

hindi nya tinanggap.
pero, ipinatong ko nalang sa ulo nya.

gabi na. kailangan ko na umuwi.
sana, hindi hanapin ni mama ang jacket ko. hehehe...

pagkauwi...
yung feeling na parang pwede na akong mamatay anytime. :)
sarap!




umaga.
nag alarm ang celepono.

4am.
oras na para maligo.
magjojogging pa ako at boxing.

olrayt!

all set.

papunta ako sa lugar kung saan ako madalas nagpapa-pawis.

nang biglang may lumipad na bulok na petchay!

"what the white rabbit!"

akala ko kung ano. petchay pala yun. kulay itim.

"MGA WALANG PUSO! ALAM NYONG NAGHIHIRAP KAME! DAAN LANG KAYO NG DAAN GAMIT MGA KOTSE NYONG MAKIKINTAB! MGA WALANG PAKI-ALAM! MGA PUT...... ... NYO LAHAT! MAGSAMASAMA KAYO SA IMPYERNO1 MGA UL....!!!"

natulala ako sa sobrang shock.
wala akong makintab na kotse pero tinamaan ako.
tagusan!

ayun si lola.
ang anak nya pala ay inaapoy ng lagnat.
ang asawa raw ng anak nya ay nanlalake. pok... .
ang mga apo nya'y hindi pa nakakatikim ng anumang pagkain mula nung nakaraang araw.

wala pang almusal, ang panganay ay nangangalakal na.
ang maliliit ay tulala.

hindi ako naka-hakbang.
nahiya ako sa sarili ko.

mabango ako.
nakapag-gatas.
maayos ang suot.
may sapin sa paa.

pinatay ko ang music ng aking celepono.
humingang malalim.

ano to?

bakit ganito?

ano bang nangyayari?

wala nang martial law.

democratic na tayo.

tapos na ang WW.

pero, ano to?

sino ang pwedeng tanungin?
sino ang pwedeng sisihin?

sa nakikita ko, tila busy ang linya ng langit.
kahit ang mayayaman ay nagdadasal.




ang sakit ng katotohanan.
na may kakayahan akong sundin ang aking luho.
ngunit naging sarado ang mata ko sa problemang matagal nang umaalingasaw.

hindi sapat ang paghuhulog ko ng barya sa mga alkansya na tambay sa mga counters.

hindi sapat ang tinapay na inaabot-abot ko sa sinumang maabutan.

hindi kailan man magiging sapat ang paunti-unting tulong...

pero, kung tutuusin, ang kailangan lamang ng mga taong tulad ni lola at mang ben ay mga mumunting biyaya na kayang kayang iabot nino man.

ngunit bakit?

bakit hindi sapat?

kung mumunting mga biyaya lamang ang kailangan...

bakit hindi magkasya?

may pagkakasyahin nga ba?

sino bang pwedeng sisihin?

kung tayo rin mismo ang nagluklok sa mga taong walang ibang gawa kundi mangako?

ngunit sa dulo, sila ang mas nakinabang, kesa sa mga mamamayan na kailangan isalba.

anung pwedeng gawin?
bukod sa magbigay ng limos?

naubos na ang jacket ko.

pero, parang walang nagbago.

anong magagawa ko?

ano pa ang pwede kong gawin?




kung lahat lang sana tayo, na kahit kokonti ay may kakayahang mag-ambag ay magtatanong kung anong pwede nating gawin...

sa palagay ko, gagalaw ang mundo.




hindi tayo super hero...

wala tayong super powers.

pero, ang totoo...

TAYO ANG KAILANGAN NILA.




WALA AKONG yaman na pwedeng ipamudmod.

pero, mga kaibigan, nananawagan ako...
sa sinumang may kakayahan.

kung lalabas kayo ng bahay, at kung may bag kayo,
pwede kayong bumili ng murang tinapay sa bakery sa kanto.
at magdala ng tubig.

extrang damit na hindi na ginagamit.

hindi mo alam kung kailan ka maliligaw sa sulok kung saan may nangangailangan ng mumunting biyaya na kaya mong ibigay.




huwag mag aabot ng pera.

kung wala kang pagkain sa bag mo, pwede mong pakainin sa eatery ang sinumang makakilala mong nagugutom o nauuhaw.

malaking bagay na yon.




kung makakikilala ng bata o matanda sa lansangan at kung may oras kayo, alamin kung meron silang pamilyang mauuwian.

kung wala, sumangguni sa pinaka malapit na Police Station, at magpahatid sa tanggapan ng mga ahensya na maaaring tumulong.




naka-ilang presidente na ba tayo?
wala paring nangyayari.

alam mo ang ibig-sabihin non kaibigan?

ang pagbabago ay hindi matatagpuan sa batas. wala ito sa kamay ng sinumang senator na nagpapakasanto at mas lalong wala sa palad ng sinumang presidente.

TAYO.

TAYO ANG TOTOONG SUSI SA PAGBABAGO.

TAYO NA NAKAKAKITA NG KATOTOHANAN.

TAYO NA NAKAKA-AMOY NG BAHO NG LANSANGAN.

TAYO NA NABABATO NG BULOK NA PETCHAY.

TAYO.

ANG MUMUNTING BIYAYA NA HINIHINTAY NILA LOLA...
NILA KUYA "SMILEY"
NILA NENENG.
NILA TOTOY HAMOG.

AT NG IBA PANG TAO, NA ITINATABOY-TABOY LANG SA KUNG SAAN NA MATATAGPUAN NATIN SA BAWAT SULOK NG ATING KONSENSYA...

kaya mo ba?

kaya mo ba maging mumunting biyaya para sa kanila?

No comments:

Post a Comment