Dahil Valentine's day na sa friday...
may iilang nilalang ang kumatok nanaman sa inbox ko.
pagbigyan natin to si Totoy Bibo.
Totoy B: Ate Lyka. Kumusta ka na po? tagal mo nang hindi sumasali sa group support. may tanong po ako. may girl po ako na invite sa 14 and nagiisip po ako ng pwedeng gawin to impress her. ano po kayang magandang moves? TIA.
Ako: Wow Totoy B! what a change! hindi ka na jejemon. I'm so happy and proud of you!!! apir! at may ka-date ka sa 14! kitam... sabi ko sayo e. itakwil mo lang ang buhok mong kasing gulo ng buhok ni Daniel Padilla at ayusin mo lang ang spelling mo ng words... may papayag na chikas na makipag date sayo e. CONGRATULATIONS!!!
BOYS. wag nyo nang habuling magpa-impress sa mga girls. nauunawaan kong mga lion kayo deep inside at kasama sa animal instinct ang magpa-bida. ngunit sa panahon ngyon... hindi na yan kailangan.
mas simple. mas totoo. mas mainam.
1. makikilala mo ang babaeng ka-date mo kung anung klaseng babae sya.kapag totoo ka lang at simple ka lang, tas nag enjoy at masaya sya, ibig-sabihin, worth syang i-pursue. kapag ba-badtrip sya at tingin nya uneventful o boring ka dahil simple ka... sapat na ang 1st date para magpasyang iwasan ang mga barbie dolls. lesson learned ika nga.
2. simple pero presentable. kailangan ko bang explain to?
3. huwag magpa-impress sa dates. magpa-impress nalang kapag sya na ang makakasama mo habang buhay.madalas na kamalian ng mga lalake. impressive sa dates. palya sa relasyon. huwag magimbento ng impression na hindi kayang panindigan ng pang matagalan. wala nang mas nakakaumay pa sa lalaking pauulanan ka ng chocolates sa dates. tas pakakainin ka ng ampalaya sa kalagitnaan at dulo.
tigilan ang pagpapabida sa umpisa. dahil kapag sinanay mo ang babae na bida ka, umasa ka. uulanin ka na ng demands pagkara-karaka.
4. magtipid. magreserve. ayon sa huling survey, lamang ang populasyon ng babae kesa lalake. huwag magbuhos ng resources sa iisang prospect.paano kung mataon na paasa ang babae? at mabasted ka sa ending? wala ka nang bhe, wala ka pang pera. sobrang kawawa ka na non dude.
keep it simple. reserve your wallet and effort sa babaeng confirmed na karapat-dapat.
5. Speaking bilang babae: yung totoo, ayaw na namin ng generic na treatment. flowers, chocolates etc. masyado nang gasgas ang mga ganyan. mas ok sa amin ang lalakeng relax kasama. masarap at masustansya kausap. at marespeto sa amin. wala kaming pakialam kung madami kang drama at presentasyon. ang mahalaga ay may malinis kang budhi at intensyon.
Happy Valentine's Toy! umayos ka sa date mo! Good luck!

No comments:
Post a Comment