LYKA’S DREAM
Libre lang mangarap. Kaya pwede mong damihan at punuin ang listahan mo. Walang kaso yun, at wlang pwedeng manghusga sayo. Basta siguraduhin mo lang na kahit isa sa 100 pangarap na iyong inilista ay tutuparin mo. Kahit gaano kahirap. Kahit buwis-buhay, tuparin mo.
Wag na wag mong sasayangin ang papel, tinta ng ballpen, lead ng lapis, oras at pag-aabalang ginugol mo upang mabuo ang iyong listahan.
Ang pagtupad mo sayong pangarap ang sasalamin sa iyong disiplina. Ang paraan ng iyong pagtupad, ang sya namang huhubog sa iyong pagka-tao.
Gaano man kataas o kababa ang pangarap mo, gaano man kahaba o kaiksi ang listahan mo, san man ito nakasulat, anu mang kulay ng tinta, naiintindihan man o hindi, ang mahalaga, may pangarap ka. May gusto kang patunguhan, may gusto kang marating. Wala nang mas nakaka-awa pa sa taong walang pangarap. Dahil ang taong walang pagsisimulan ng hakbang ay wala ring patutunguhan. Kaya magsimula ka, kahit sa pinaka-maliit na paraan. Ang mahalaga, ginawa mo ang unang hakbang tungo sa ninanais mong tagumpay. Meron kang simpleng puhunan kung paano ba-baybayin ang buhay na ipinahiram sayo. Dito ka magsimula. Magsimulang magplano para sa iyong sarili.
Noong bata pa ako, minsan ko nang pinangarap ang maging madre. Oo. Madre. Kung ngayon ko sasabihin yon, pihadong kengkoy ang kalalabasan. Pero noon, yun talaga ang gusto ko. Hindi nagtagal, nung tumuntong ako ng Grade 3, nakilala ko na ng lubusan si Gat. Jose Rizal. Hindi ko gustong maging bayani at malagay ang mukha ko sa piso. Pero don ko na ginustong maging doktor sa paniniwalang matatalino lang ang nagiging doktor. Medyo ambisyosa ako para isiping matalino ako. Pero, yun talaga ang pinaka-nagustuhan ko sa mga pinangarap ko. Ang maging doctor ( at maging matalino). Natuwa din naman sina mama at papa nung sabihin kong gusto kong maging doktor. Kahit naman sila, convinced na matalino ako, at kaya kong tuparin ang pangarap kong yon. Hanggang sa naging normal nalang sakin ang marinig mula kina mama na “ itong bunso namin, magiging doktor to pag laki.” Tuwang tuwa naman ako kapag sinasabi nila yon. Masaya akong malaman na masaya ang mga magulang ko sa nabuo kong pangarap. Kung ngayon iisipin, parang classical conditioning ang nangyari. Kasi parang masyadong itinanim sa isip ko na pagdodoktor ang kukunin kong kurso. At magiging doktor ako balang-araw.
Nadevelop ng husto ang skills ko nung elementary at high school. Lumawak ang mundo ko. Naging interes ko din ang Astronomy. At pinangarap ko din maging astronaut. Natuwa naman si papa. Pwede naman daw, sabi nya. Basta mag-aral ako ng mabuti, para pumasa sa University of the Philippines. Kasi dun may course na Physics (physical science) na unang hakbang patungong Astronomy.
Naging batang manunulat din ako at nagcompete sa iba’t-ibang school sa iba’t-ibang larangan ng pagsulat. Kaya isa nadin sa naging options ko ang Journalism. Minsan nading pinangarap nila papa at mama na makita ako sa TV na nagrereport na tulad ni Mel Tianco. Si kuya Mikel, naniwala din noon na pwede akong sumunod sa yapak ni Korina Sanchez. Pwede naman talaga. Dahil hilig ko din naman ang mag-sulat, at hilig ko din ang balita.
Malakas ang pananalig ng pamilya namin sa kakayahan ko. Na parang kahit anung pangarapin ko, kaya kong tuparin. Isa din sa inihain ng papa ko ang Political Science, tas susundan na ng Law. Dahil pwede din daw ako maging Lawyer. Sa isip ko, bakit hindi? Sa palagay ko naman, kaya ko, basta wag lang akong lilihis ng landas (at tatamarin).
Sa dami ng pangarap na pwede kong tuparin, hindi nawala ang isip ko sa pangarap kong maging doktor. Nagtapos ako ng High school, at nag pasyang Medicine ang kunin sa kolehiyo hindi dahil sa paniniwalang matalino ako. Kundi dahil matindi na ang pagnanais kong makatulong sa kapwa sa larangan ng serbisyong medikal.
Ang masaya sa magulang namin, supportive sila sa lahat ng pangarap namin. Napagkasunduan na. Medicine ang kukunin ko. May Medicine sa Our Lady of Fatima. Dun nagaaral ng Pharmacy ate ko, kaya dun din naisip nila mama na i-enroll ako. Nung nalaman ni mama na sa Valenzuela ang Pre-Med, umiral ang pagiging nanay ni mama. Agad-agad, hindi ako pinayagan mag-aral sa malayo. Sa huli, nauwi ako sa BS Nursing.
Ok naman, enjoy naman ako. Naisip ko, pwede namang first step ko ang nursing. Tapos, kapag nurse na ako, mag-aaral ako para maging Doktor.
Hindi nawala ang pangarap ko.
Nadagdagan lang, pero, hindi nawala.
Naging Top Student pa ako sa First Year ko… ok na sana. Kaso, dumating ang time na laboratory na. dun na nagka-alaman. Kaya ko ang mga subjects. Ang hindi ko kaya, ang amoy ng mga chemicals. Ilang beses akong hinimatay dahil sa amoy ng sulfur na sunog. Ilang beses din akong nasuffocate sa amoy ng formaline. Ilang laboratory equipments na ang nasira ko dahil sa mga insidenteng dulot ng kahinaan ng baga ko. Hindi na ako nakaligtas sa atensyon ni Dean Salazar.
Mula sa BS Nursing, pinag shift nila ako sa BS Tourism. Mataas daw kasi ang communication skills ko, at bagay na bagay daw sakin ang course na tourism. Nag-agree naman agad ang mga prof ko. Ewan kung dahil sa bagay talaga ako sa tourism o dahil natatakot lang silang maubos ang gamit sa lab.
Suma-tutal, ok naman kina mama at papa ang nangyari.
Napaka-supportive talaga.
Ok din naman ang tourism. Masaya naman. Daming activities. And enjoy din ako sa mga subjects. International studies kasi. Dami kong natutunan. Matagal ko nadin kasing interes ang iba’t ibang kultura. Isa lang ang ayaw ko sa tourism. ANG KAHALAGAHAN NG MAKE UP. Paktay! Ayaw na ayaw ko pa naman non. Tsk! Pero, ayus naman, nakaka survive. Hindi naman napapansin masyado yung mukha ko, cute naman kasi ako, so walang kaso. (bobola lang ng konti… patawad!).
Ang masaya sa buhay tourism, sa kauna-unahang pagkakataon, nagkaroon sila ng representative sa TAGISAN NG TALINO ’04-05. Buti nalang daw, nagshift ako, sabi ng trainer namin. Natatawa ako kapag naaalala ko yun. Hahahahaha!!!!^_^
Hindi ako nagtagal sa tourism. Grabe ang gastos. Hanggang sa dinala ako ng tadhana sa UCC. Dapat Mass Com ang kukunin ko. Big joke lang pala yun. Wala naman pala silang Mass Com. Linsyak! Nabiktima kami dun. Nakaatras na ako sa Fatima, at eto na ako sa UCC. Dalawa pa kami ni mama Ghe. Wala na, nakakasa na lahat. Nasa loob na kami at mukhang hindi na kami palalabasin ng buhay.
Ok sige.
Susme.
Kahit san nila ako ilapag, uubra ako!
eto na. napagkasunduan na, Marketing ang kukunin ko at susundan ko yun ng Advertising. Last na to, last plot. This one should work. Hindi na ako papayag na hindi. Ayokong umabot ng 60 ang nakuha kong kurso. Engineering nalang ang kulang, nalibot ko na lahat.
So ok na ako. BS Marketing.
Eto na si Dean Bautista, CPA- Lawyer.
Dean ng College of Business and Accountancy.
Interview.
Nung tinanong nya ako, kung anung kukunin ko, sabi ko, Marketing. Walang abog-abog, kinontra nya ako at sinabing hindi ako bagay sa Marketing sa taas ng grade ko. At walang sabi-sabi, inilista nya ang pangalan ko sa BS Accountancy.
ACCOUNTANCY!!!! Susme! Kung di ka nga naman pinagtripan ng ipo-ipong hindi mo makita. Ang pangarap ko, maging doktor. Tapos ngayon, ACCOUNTANCY!!! Daig ko pa ang pinagbuhol-buhol na sinulid. Sa sobrang gulo ng takbo ng mga pangyayari, hindi na ako naka-alma. Hinang hina na ako. Hindi na ako makapagsalita.
Nung nalaman nila papa at mama na Accountancy na ako, natuwa naman sila. Ako hindi na ako natutuwa nung mga panahon na yon. Pakiramdam ko, nausog ako ng lahat ng nuno sa buong mundo. Ang layo…layo…layo…layo ko na sobra sa pangarap ko…
*** Lord… may mali ba sa pangarap ko, at inilayo nyo ako sa kanya ng sobra?
Demotivated na ako ng sobra sa nangyari. Para akong nasa state of shock. Hindi ko na alam kung anung dapat kong gawin. Pero dahil nakita kong masaya naman sina mama at papa, hala. Sige na nga. Kahit hindi ko to gusto. Sige, gagawin ko ang makakaya ko… sisiguraduhin kong matatapos ko na to.
Pero iba talaga, kapag hindi mo gusto ang ginagawa mo… kahit anung pilit ang gawin mo, wala talaga don ang puso mo…
Sa totoo lang, ayoko magkaroon ng kaalaman ukol sa pera… sa kung panu paglalaruan ang pera at kung panu paiikutin at paglalaruan ang mundo gamit ang pera. Pakiramdam ko, napakaruming bagay non. Sobrang hindi ako natuwa. At ang kinahinatnan ng lahat… Bachelor of Science in Business Administration Major in Management.
Natapos ko ang 4 na taon, at sa wakas, masasabi nang college graduate ako. Sa puntong yon, medyo nakalimutan ko na ang medicine. Parang ang naging pangarap ko nalang talaga nung panahon na yon ay makatapos. Yun nalang. Pakiramdam ko, pagod nadin ako sa kaka-aral… gusto ko nang mag-toga.
Pero ngayon… nag_aaral ulit ako.
Masteral this time around…
May posibilidad parin na maging doktor ako.
Hindi sa larangan ng medisina… kundi sa larangan ng negosyo.
^______^
Nakakatawa… kung iisiping mabuti, kung panu natin binubuo ang ating mga pangarap. At kung panu tayo gumagawa ng mga plano sa pagtupad nito. Gaano man kagaan, o kabigat. Ibinibuhos ng ating mga magulang ang lahat ng suportang kaya nilang ibigay. Ibinubuhos natin ang lahat ng ating makakaya… sa huli, walang makapagsasabi, kung matutupad mong talaga ang pangarap mo… o pakikialaman ka ng ma-epal na tadhana, at ipatutupad sayo ang pangarap na ni minsan, hindi mo naisingit sa listahan mo.
Tuloy-tuloy ang pag-aaral ko ngayon sa larangan na ni minsan ay hindi sumagi sa isip ko… ang pangarap na hindi ko inaasahang isusubo sa akin ng pagkakataon. Naisip ko, siguro, may isang tao sa kabilang sulok ng mundo na nangarap maging manager, o financial manager o analyst, pero hindi natupad at bagkus ay naging doktor. Nangyari sa akin ang labu-labong pangarap. Hindi imposibleng mangyari rin yun sa iba….
Ako si Ma. Angelica Monina Balbaboco Cuya, tawagin nyo nalang akong Lyka. Business Graduate.
At, nangangarap paring maging DOKTOR balang araw…
…kung papalarin……………..^_^
♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥
LYKA’S FEAR – The Battle in which, We will surely Loose
BEWARE…
BE AFRAID…
BE STRONG…
The things I have feared the most are slowly taking place.
Global warming is making its presence felt.
The signs of Earth’s slow death is on its foot, - fast phased.
This planet is slowly dying.
It could take a sudden death, but the universe has a grand design of its own. And it tends to make us suffer its horrific death.
This destruction is purely man-made.
We people provoked this destruction and the world is making its way for us humans feel the pain and hurt we brought to this planet.
For us to realize the dreadful truth the WE made all these.
We had so much faith in our intelligence, making the world appeare as if it was ours to play with.
For us, the world is just a play thing.
We believed that the world would look far more great with man-made wonders.
We believed that we are given the supreme intelligence and because of that, we created and designed the world according to our Human Inception.
The power of Human Mind is so intense that we’ve believed that we can claim this world our own.
The power of Human mind is so intense that our geniuses built faith that claimed that WE, humans have the right to mold the world a ~new with the colaborations of conceited talents and greed money.
Not knowing that the faith we had for our human powers can be taken away in just a snap.
The world as we know it, will again claim what is rightfully its own.
It will kill – mercilessly.
The world as we know it, will take away the very faith our human minds instilled.
What the intense human mind failed to realize is that, we do not own this world – this world owns us.
When it decided to kill, it will kill everything it owns.
It will break its grounds, burst rivers of fire through its beautiful mountains, washaway everything through its powerful seas.
It will deprive us the very air we once breathed.
It will cover our colorful plains with continuous rain of ash and icey water, and trumbling air that will break everyhting we built.
Stars of different sizes, the same stars that once fascinated us will fall upon us with its burning heat.
Our greatest star, our sun, will shine no more. There will be darkness.
The world will shake troumendously.
There will be no spring – only winter.
Winter of eternal cold.
Everything that will happen will crawl in our minds, we can never sleep, it will steal our consciousness, our ability to reason, and the ability to know right from wrong.
It will leave us homeless, faithless, hopeless, lifeless.
Soon, we will live like animals.
Without food to eat, without clean water to drink, we will be forced to turn to each other to feed.
People will eat people, and will drink its blood.
Soon, after that, it will all be over.
Everything will die.
This is the cleansing.
When the Earth is cleansed, the eyes that are watching from a distance will reveal, and the new world will rise with its new life.
This new life, will never be for humans.
No one will ever know what will take over after us.
But it is certain, that they are, the rulers of the unknown space.
Yes.
They do exist.
They will watch us die.
For them to claim the world they own.
April 5, 2011 – Tuesday
Eto na ang sinasabi ko….
Ang posibilidad na makaharap ng araw na hindi naman masyadong intresting…
Hindi masyado…
Hmmm… may post ako sa isang social network…
Actually, nakakatawa kung iisipin…
Ang gulo talaga ng isip ko…
Sige na nga… ikaw na… the best ka eh!!!^_^
Ayoko nang mag-isip muna… hayaan ko munang gumulong ng kusa ang mundo…
Wala namang nawala eh…^_^
A BORING DAY, IS A BORING DAY…
- Naisip mo na ba minsan kung ikaw nga talaga ang pinatutungkulan ko?
- Naisip mo na ba minsan, na posibleng hindi sayo dedicated ang love song sa radio?
- Malawak masyado ang mundo… hindi lang ikaw ang pwedeng maging sentro nito…^_^
GOOD CHARACTER is more to be praised than OUTSTANDING TALENT. Most talents are, to some extent, A GIFT. GOOD CHARACTER, by contrast, is not given to us. WE HAVE TO BUILD IT, piece by piece --- by THOUGHT, CHOICE, COURAGE AND DETERMINATION.
- H. Jackson Brown Jr.
Isa sa mga bagay na kinatatakutan at pinipilit kong iwasan ay ang matinding impluwensya.
Wala pa akong matandaang inidolo ko dahil sa may pinauso sila… ang totoo, bihira akong humanga. At karamihan sa mga hinahangaan ko, yung mga taong nag pamalas ng kalayaan sa sarili at nakipag-laban para sa kalayaan ng iba.
KALAYAAN. Walang format. Walang hugis.
At higit sa lahat, walang anumang gagayahin – ke porma, kilos, hitsura o mga gawi.
Marami na akong nakilala at nagging kaibigan.
Iba-iba ng katayuan sa buhay, iba-iba ng pinagaralan, iba-iba ng hilig, iba-iba ang trip.
May mabuti, meron din namang masama…
Sa ganitong sitwasyon ko higit na ipinagpapasalamat ang pagmamahal ko ng lubos sa kalayaan…
Kahit na sinong makasama ko, malayo ako sa impluwensya. Kumbaga sa labahan, kahit de-kolor sila, hindi parin ako nahahawa…
Masasabi kong Masaya ako.
Dahil kahit na sino pang makasama ko, hindi parin nawawala o nababago ang pagka-tao ko…
Meron parin akong sariling tatak.
Malayo sa impluwensya ng iba…
Malayong malayo sa panggagaya.
At wala din namang maka-gaya sakin!!!^_^ hehe.
April 6, 2011 – Wednesday
Marunong nang mangatok si Nami ng pinto ng kwarto na walang tumutulong sa kanya… at in fairness, malakas sya kumatok… akala ko, bata yung kumakatok sa kwarto ko… pag bukas ko ng pinto, ang cute ko palang aso…^_^ congats Nami!!!^_^
Masaya ang lunch kanina… sabay sabay kaming kumain ng nilagang baboy ni Mama Ghe. Walang paminta. Nakalimutan daw nya… pero ok naman, masarap padin. Andami kong nakain.
Nakatulog ako, at nilalagnat na nang gumising. Bad trip. Wala pang tubig, summer na nga talaga. Bad mood tuloy.=,(
***hulaan nyo kung nakailang ikot na ang CD ni Kenny G. sa PC namen???
*clue: kung live ang tugtugan, pihadong ubos na ang hangin sa baga nya at wala na syang lakas mag sax.^_^
Sorry Kenny… paborito ka kasi namen eh.^_^
Tunay ngang nakakawala ng antok ang magsulat… pero nakakadagdag din naman ng sakit sa likod. Pero ayus lang. ok lang masakit ang likod, wag lang maging matumal ang buong araw. Nakakasuya yun.
Natutuwa na ako sa takbo ng istorya ng The Baker King. Sa mga oras na to, hinihintay ko nalang ang palabas na yun. Sa totoo lang, bukod sa I ♥ YOU PARE, wala na akong ibang programang pinapanood sa TV na gawa ng mga Pilipino. (bukod din pala sa balita at mga doku).
Hindi sa kinokondina ko ang gawang pinoy. Mahal ko ang Pilipinas at sa totoo lang, gusto ko din tangkilikin ang lahat ng sariling atin.
Pero, panu mo yun gagawin, kung paulit-ulit-ulit lang ang takbo ng istorya? At nandun parin ang mga katangahang mula noon ay umaalingasaw na. Yung tipong sisigawan mo yung bida kasi, mahuhuli na nga nya sa akto na nangangaliwa yung lintek nyang asawa tas biglang nakalimutan pa sa kotse yung cellphone at kailangang balikan.
Tapos nandyan pa yung mga iyakan na kapag tinanong “ oh, Lucia, umiiyak ka ba?” tas sasagot yung tinanong ng: “ ah, hindi. Napuwing lang ako.”
At mahabaging langit naman, laging hindi naabutan ng pulis ang masasamang loob…
Sinong hindi mauumay? Diba?
Mas gugustuhin ko nang panoorin ang katangahang nakakatuwa sa katauhan (ahm, ka-istaran) ni Patrick Star at ang kaibigan nyang medyo tanga din na si Sponge Bob. Yung katangahan nila, for adult humor, so nakakatuwa. Di tulad ng katangahan sa mga teledrama na sumasalamin lang sa katamaran ng writer gumawa ng masustansyang istorya. Eeeeeeeeeeh!!! Kainis!⊛
Kung may writer na makakabasa nito at sasabihin nyang “ah, ganun? Sige! Ikaw na magsulat!” sasagutin ko lang ng: “abah, mabuti pa nga ako nalang!”
Dahil kapag ako nagsulat at kailangan kitang patayin sa istorya ko, hinding hindi kita babarilin at itatapon sa ilog o ililibing ng buhay. Hindi ako gagawa ng katangahan na sa huli ay lalabas na buhay ka pa pala.
Sa istorya ko, mayaman ako, at may freezer na kasing laki ng bahay ni Pacman. Ikukulong kita sa freezer ko at kapag yelo kana, kakayurin kita at gagawin kitang dog food o kaya, atsara! ( oh, ngayon mo sabihing gasgas na yon!).
***Panis!
1:09 am – April 7, 2011 – buong araw ako naghintay ng makakausap kahapon. Pero, matapos nyang maglaba, natulog na sya. Sige, salamat.
Wag na wag kang magtataka at wag na wag mo din ako tatanungin kung balang araw, mapagod na ako maghintay sayo ha? Babatukan talaga kita!
(papam-pam ang cursor… appeare-disappeare! Pa-bibo!)
April 7, 2011 – the extension
Wala masyadong kaganapan kahapon. Bukod sa pagka-tuwa namen kay Mariel.
Nagkape kami… tas nagyaya si mama mag-online sa paniniwalang online registration ang promile i-shine .
Eh, hindi naman… joke lang pala sa tv.
Pambihirang advertisement kasi, mga motmot, hindi nililinaw. (Advertisers, ayusin naman ang trabaho nyo. Nakakalito kayo ng mga tao!)
Mag wo-workshop si Mariel sa Talent Camp. Sana palarin yung bata. Gusto ko din magkaroon ng pamangkin na artista. ^_^
April 11, 2011 – Monday
Kaninang gabi (kagabi) ko lang nalaman na hindi pala nakuha si Mariel sa magic 12 sa Talent Camp. Hindi sya nag-shine dahil sa sikip ng stage, hindi na nakaporma…
Pero nag enjoy naman daw sya. Oks na yon.
Ngayon, higit kailanman, ko naramdaman na kailangan ko nang magtrabaho.
Noon pa ako binabayo ng insulto tungkol sa pera. Matagal ko nang nilulunok lahat ng reklamo ng mga taong bumubuhay at nagpapalamon sakin.
Hindi ko sila masisi. Sa laki kong toh, wala pa rin akong trabaho.
Nag katrabaho na ako dati.
Hindi ako tumagal dahil may sakit ako.
Ang pamilya ko, at ang nobyo ko, pinayuhan na ako ng tumugil sa trabaho.
Pero di nagtagal, nakakarinig nadin ako ng mga hinaing.
Nahihirapan na sila sa pagbuhay at pagsuporta sakin.
Magastos din kasi ako.
Ok. Sige. Maghahanap na ako ng trabaho para naman hindi nakakahiya sa inyo.
Sobrang nakakapanliit na kasi masyado. Eh hindi naman masyadong makapal ang mukha ko.
(kapag yumaman ba ako, at nagpaulan ng pera, magiging kapaki-pakinabang na ba ako sa paningin nyo? Sana naman. Kasi magpapaka-matay na talaga ako sa trabaho, mabigyan lang ako ng pagkakataon).

No comments:
Post a Comment